For all mommys
Mga mommy's, san kayo mas komportable tumira sa bahay ng byenan mo o mas gusto mong bumukod ng sarili nyong bahay?
Bumukod momsh, kasi iba parin yong kayong mag asawa ang magpapatakbo ng pamilya together, mahirap kumilos when inlaws is around kasi laging may reservations kahit kasundo mo pa sila.
Mas maganda kung bumukod , kasi may mga in laws na pakialamira . Diba tayo dapat may rules sa LO natin .Makikisawsaw ba para nilang anak yung anak ko eh apo lang naman nila .
mas maganda po talaga naka bukod gusto gusto ko n talaga bumukod paano kung ung partner mo wala namn ginagawa para makabukod kami ang mag trabaho or dumiskarte nga d magawa 😔
Mas magandang bumukod po para iwas na rin sa samaan ng loob at saka pagsariling bahay mas nagagawa mo lahat na wala kang pakikisamahan lalo sa pag aalaga sa anak.
In my opinion mas mainam kung bubukod kayo lalo kung may baby na. para matuto din tumayo sa sariling paa. sobrang hirap ng nakikisama based on my experience.
Komportable dito sa in laws ko, wala ako ginagawa Mother in Law ko gumagawa sa lahat ng gawain, work-tulog-kain lang ako pero syempre bubukod din kami soon.
sariling bahay HAHAHA nakatira ako dito sa byenan ko ngayon kaya nahihiya ako kahit iinom lang ng tubig hahaha onting kilos lang talaga nahihiya ako
currently nasa in laws kami, sila nag offer na dito kami dahil mag reretire na sila sa provincr. pero if may budget talaga, gusto ko ng sariling bahay.
Mas okay bumukod pero okay samahan namin ng byenan ko eh kaya oks lang din. Pero nandito kami sa pudar ng mother ko at okay na okay lang din 😊
bumukod po. mas okay po sakin 'yung may sarili kaming bahay para mapanatili ang "your house, your rules" at "your child, your rules" hehe.