Don't know what to do 😩 Need help πŸ™πŸ˜’

Mga mommy pa tulong Naman po sa sitwasyon ko. 12 weeks and 5 days na po akung buntis, nung September 20, 2020 po schedule ko check sa OB ko that time may na pansin Yung OB na wala siyang marinig na heartbeat gamit Ang doppler Niya na dapat meron na daw. Kitang Kita ko Ang mukha niyang taka na taka kaya ako ay kinabahan na rin. Pagkatapos nang check up ay in advice Niya ako na magpa transvaginal kinabukasan para masiguro kalagayan nang baby ko at Kung bakit walang heartbeat. September 21, 2020 nag punta ako sa ibang clinic Kung saan Niya ako ni refer at don nakita wala nga heartbeat Ang baby ko. Habang nag aantay sa results napaluha ako at napadasal nalang . Tinawagan ko Ang OB ko sa naging resulta kadalasan daw talaga nangyayari Yun sa first trimester nang pagbubuntis, Hindi ko rin ma intindihan mga paliwanag Niya Kasi puro siya baka baka. Sinabi Niya sakin pwde Naman daw ako magpa second opinion para mas sigurado, September 27, 2020 nagpa ultrasound ulit ako sa hospital nila mismo umaasa ako na may heartbeat na baby ko Kasi don mismo Ang ka una unahang nakita ko Ang baby ko tumitibok Ang puso niya. Pagka ultrasound ko sobrang nalungkot ako Kasi ganun parin Ang resulta no heartbeat parin. Nung araw din na Yun check up ko sa OB pero di ako sumipot Kasi nung huli usap namin pagwala talaga heartbeat Yung baby ko is tatanggalin Niya na sa tiyan ko. Sobrang natatakot na ako. Pagka uwi nang bahay tumawag Yung mama ko di siya maka paniwala sa text ko. Pano daw nang yari yon? di Naman daw ako dinugo wala din ako masakit na nararadaman? Pano nga ba? Yun din di ko maintindihan Kasi nag iingat Naman ako. Don na isip Niya ipa tingin ako sa albolaryo doon nakita daw na may sumusunod sunod saking ibang nilalang baka daw ito dahilan bat di makita Kita Yung baby ko pag nag papa ultrasound. Sa ngayun po nag gagamot ako nang gamot nang albularyo. Kasi naniniwala po talaga ako sa mga nilalang bukod satin ay naninirahan din dito sa mundo. Ano po sa tingin niyo mga mommy? Pa advice Naman po Kasi di ko na po alam Ang gagawin at Kung anung paniniwalaan ko. πŸ˜’πŸ™ First baby ko po Kasi kaya Ang hirap sukuan nalang nang Basta Basta. πŸ˜’πŸ’” Sana matulungan po ninyo ako.πŸ™πŸ™πŸ™ God bless sa lahat nang Ina #1stimemom #firstbaby #advicepls

20 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Naluluha nlng tlga ako ng mbasa ko to ganyan na ganyan ako nung naagasan ako sa pangalawa ko no heartbeat si baby simula 12 weeks to 15 weeks kaya ayun inadvise na skin ni o.b na iraspa ako pero nag 2nd option ako na mag take nlng ng meds pang open cervix kahit sobrang sakit sakin na wala na tlga sya kylangn mkalabs sya dhil kung hindi prehas kming mawawala kaya inisip ko nlng na kylangan dahil may kuya sya na maiiwan ko kung mag mamatigas ako malulungkot husband ko at lalo na anak ko gusto ko tlga iraspa nlng kaso hindi nmin kaya ang 30k na hinihingi ni ob kaya ayun inom ako evening primrose kso di tumalab 3days na ko nag take 3x a day hanggang nkilala ko magaling na manggagamot.dto samin sister vergie kung tawagin hinanap nya muna ung mga ultrasound ko na katibayan na wla na tlga si baby pero unang kita plang tlga nya skin alam nyang wla nang hearbeat si baby kaya yun tinulungan nya ako para mailabas ko si baby may pinainom syang herbal skin kinabukasan umiyak nlng ako ng mkita ko baby ko buong lumabas sakin na malaking bilog nandun sya sa loob tlgang kung di tlga para satin hindi pa ibibigay ni lord pero wag kang mag alala mommy march nawala si baby sept nabuntis ulit ako sa pangatlo ko at eto pa huh pag ka 4 months ni baby nabuntis ulit ako sa pang apat ko hehe kahit sunod sunod sila malaking blessing samin yun dhil khit na may mawala may ipapalit nmn si God ng mas madami ..pero mommy dahil 1st baby mo okay lng wag mo muna sukuan si baby hanggang 3rd opinion kung pwede pero kung inaadvise na ni ob kung ano makakabuti sayo sundin mo na isipin mo nlng na may purpose ang pagkwala ni baby ..wag kang mawalan ng pag asa mommy nanjan si Lord di ka nya pababayaan trusr him πŸ₯°πŸ˜˜

Magbasa pa
4y ago

Walang anuman po mam kaya nyo po yan kung kaya ko po kaya nyo din..kse ako po nun nung nawala si baby sa loob ng tiyan ko kawawala lang din ng bunso kong kapatid 8 years old nkita nlng syang wlang buhay sa ilog dito samin kaya din siguro nwala si baby sakin.kse nastress ako nun hindi ko alam na buntis na pla ako sa knya habang ako inom ng inom dhil sa bunso kong kpatid na nwala ng dahil lng sa mga taong wlang puso dto smin sobrang skit samin nun dahil sa solo namin syang lalaki bunso pa sa pitong mag kakapatid bigla nlang syang nwala ng bigla sobrang stress tlga ako nun sumabay pa na nkunan ako buti nlng sis i trust lord tlga slahat ng taong nag bigay samin ng tulong at pag asa lahat kinaya nmin πŸ₯°

First pregnancy ko 12weeks din sya wala nang heartbeat. Masakit sobra kasi gaya mo hnd rin ako dinugo kaya magtatanong ka talaga ng malaking bakit. Nagpasecond opinion din ako nun same result. Gusto ko pa nun hintayin 2-3weeks pa bago ako magparaspa, baka sakali magkaroon ng himala at magkaheartbeart sya kaso mas mapapasama kung sakali mali ako. Pareho kami mawawala pag nagkataon. Nagparaspa nako after 3days. Then after a year,second pregnancy ko ectopic naman. πŸ˜”πŸ˜­ Nakakaiyak. Pray lang. Then ngayon im 5months preggy. Darating at darating din yung blessing sis. Pagsubok lang yan. 😊

Magbasa pa
4y ago

condolence po sayo. tama ka po pag subok Lang to. may plano Ang dios. salamat po sa pag share

VIP Member

hi mamsh.. sory to hear dat, nangyari na to sakin lastyr, no heartbeat since 6weeks until 8 weeks dinugo nako kaya niraspa nako.. marami nko klala na gnito ang case from family member, cousin and friends.. dis is a comon case recently. chromosonal problem po ito, for me mas better if u listen to ur ob po and not sa albularyo.. God knows best for us, baka my prob ung baby or deficiency if magtuloy so sumhow protection to ni God sau and sa baby para dka mahirapan in the future. take ur ob's advice po.. its hard to accept pero jst trust in God and pray.

Magbasa pa
4y ago

mommy its beyond our control, kahit alam mo naman sa sarili mo ma ginawa mo na lahat,kapit ka lang kay God. for now need ka po muna macheck uli. baka po kasi may mangyari po sainyo.

may mga case po tlgang ganyn n nwawalan nlng ng hb, ang daming pwedeng reason. According sa ob and research n din may case n may genetic defect ang fetus kya kusa nlng nmmtay, meron din yung APAS, nirereject ng sarili nting immune system yung fetus at mrami png reason. happened to me twice 7w6d and 8w2d nwalan ng hb. advice n mgpa blood test pra malamn kung anong prob. kso di ko n ngawa and preggy ulit ako 8w3d, bedrest lng tlga and prayer n sana mging ok na.

Magbasa pa

13 weeks nawala ang baby ko oct 2018. Wala dn masabing reason bakit. Ktulad mo mlungkot at lito dn kmi mgasawa. Pero alm mo, kapag unhealthy pregnancy, minsan di tlga ngtutuloy ang pgbubuntis, yun ang way ng body natin para maiwasan ang further complications sayo at sa future baby mo. Need mo tlga iaccept yn sis, at mgundergo kna ng d&c kc baka lalo mo ikapahamak kapg lalo tumagal yan at kung ano ano iniinom mo.

Magbasa pa
VIP Member

Could be blighted ovum or chemical pregnancy but God is full of surprises. Tama ka mommy kung hindi laan para sa inyo kailangan natin tanggapin. Naranasan ko din po yan 8weeks ang bilang ko pero nag stop mag grow ang baby ko ng 5weeks. Complete MC po ang nangyari kya dina ako niraspa. Ask your ob baka my gamot sya pwede ibigay pra lumabas ng kusa.sending prayers and good thoughts for you😘

Magbasa pa
VIP Member

Sis ako nakunan din last June 2018, kasi Di talaga natin alam reason kung bkt d tumutuloy... Pero ang sabi ng ob ko, ma's okay na din daw na Di Na tumuloy kesa magkaroon ng problema c baby.. Cguro hindi pa panahon para satin, need lang natin e accept ng maluwag sa kalooban natin para hindi rin mahirapan c baby...

Magbasa pa

I suggest you go back to your OB and follow her instead of albularyo. Unfortunately, pwede talaga mangyari 'to. This also happened to me last January. I don't have any symptoms; no bleeding, no abdominal pain. Go back to your OB. She will know what to do. Be strong and pray. It will help you heal.

mamsh ectopic pregnancy po ang ganyan sa labas ng matris po nabuo hindi sa loob. madami po case na ganyan. dapat iparaspa na po kasi makakasama sayo pag nalason ka pwd mo ikamatay. agad agd na po mamsh go to na nearest hospital. tama po ang ob. pray lang po. may angel kana.

hi mommy blighted ovum po tawag dyan nagkaganyan din po ako last year and niraspa po ako ng ob ko and after 3 months nabuntis naman po ako ulit and ok naman po 37 weeks na po ako ngayon anytime pwede na po ako manganak. tiwala lang po at dasal. godbless po πŸ™