Partner

Hello mga mommy. Pa advice naman po ako . Alam ko na maiintindihan niyo ko kase alam ko na pag buntis masyadong mataas ang emosyon naten. Sensetive o nagiging isip bata na pag may ayaw magagalit nalang. Going to 7months na po tyan ko at active naman si baby . Share ko lang mga sis .. Ung Hubby ko kase naiinis ako kagabi . Nakipag inuman siya malapit lang naman sa bahay . Mga ilang lakad lakad tanaw lang halos. Tapos hinihintay ko siya makauwi para sabay sana kame kakain pinag tabi pa siya ng nanay ko ng uLam niya tapos kumain na pala siya . Nainis lang ako na hintay ako ng hintay sa wala tapos nagalit nako . Ginawa saken tinalikuran ako at nagchat na umuwi na daw ako samen na umalis nako kase nakakasawa na ugali ko. Gusto ko lang naman sana ilabas sama ng loob ko tas minasama niya un . Ngayon sabi niya wag na ako umasa na mag kakaayos pa kame. Nahihirapan ako mga mommy. Uuwi nako samen saka matatapos ung taon ng may samaan kame ng loob. Salamat sa matyagang magbabasa . Paadvice nalang po mga momsh.

2 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Minsan kase yung tao nasasagad din ang pasensya lalo na pag sumosobra tayo. Oo buntis tayo pero hindi naten lagi pwede ireason out ang hormones naten. Pwede padin naman kaseng makipag usap ng ayos kung anong nafefeel naten at gusto naten, hindi yung bigla nalang mag aalburuto. Yung asawa ko lagi ding kawawa saken lalo na pag may toyo ako pero sinasabe ko naman ng ayos yung gusto ko, sabe ko pagpasensyahan muna ko pag masyado kong demanding, na wag ako masyadong inisin kase wala akong gaanong pasensya ngayon. At minsan pinipilit ko nalang din syang intindihin kase kailangan din nyang mag chill kasama mga tropa nya or kawork para mabawasan din ang stress nya.

Magbasa pa

Sana nakakausap o napag sasabihan ko din siya ng ganyan sis. Sana nakikinig din siya saken.