monthly check up

mga mommy ok lang ba kahit hindi monthly yung punta sa OB? inadvice kasi nung nurse sa brgy. health center na kahit sa center na lang daw ako mag papa check up para makatipid. hindi po kasi ako satisfied sa health center. tia sa sasagot??

17 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Maganda po talaga makita kau ng OB monthly, lalo na kung ang health center ay midwife lang. Iba pa rin ang OB. Share ko lang ngyari sa kapatid ko last dec lang. Advised ng center s lying-in n lng sya manganak since 2nd baby na nya. Nung nag start n sya maglabor pununta na sya s lying-in, then after ng ilang oras pumutok na panubigan nya 2am at sinabi nya s midwife dun na may pagka green yung lumabas, sbi lang "baka nakakain na bb mo ng pupu". "Hintayin lang natin, baka mag improve yun cm".Eh hndi tlaga nag improve after lunch na. Nagsabi na kapatid ko na lipat na sya a hospital kung dapat i CS papayag sya. At dun lng sya transfer... Fast forward... Na CS sya at namatay ang bb nya after 5 days dahil severe infection ngyari. Ngayon, nagpa plano kami na kasuhan yung lying in at midwife. Wala akong masamang tinapay s mga midwife pero mganda tlga may OB p rin na gumagabay.

Magbasa pa

Ako hindi ako satisfied sa health center. di kasi ako masyado naaasikaso don. tsaka di umeeffect nirereseta nila saken na gamot. diko naman alam kung registered nurse or doctor sila. much better parin sa OB mas maantabayanan si baby at tayong mga mommy. Nagtry kasi ako magtanong tanong about nga sa mga nararamdaman ko doon sa nagchecheck up saken sa center. but nung nagOB ako nung nagtanong ako hindi daw po normal yung ibang nararamdaman ko.

Magbasa pa

Sa health centee ako nag papa check up nun and may midwife sila...need talga monthly kase chinecheck development ni baby yung sukat at pinakikinggang heart beat at yung pwesto ni baby kinakapa kung nasa ayos ba...then mag oorder naman si midwife if need mo ipaultrasound sa labas dahil walang ganun sa center. And also need mo din ipaalam monthly kung may iba ka nararamdaman para if ever pwede ka irefer sa ob

Magbasa pa

As per my ob po need dw po tlga monthly, sa center po kasi needs lng ibbgay nila.like free vitamins/vaccine pero alam ko bbgyan ka nila referral sa hospital para pag malaki na ang tyan mo don may ob na tlga. Ako nagpapacheck up sa center para lng sa free vaccine at vitamins pero magppcheck pdin ako sa ob ko

Magbasa pa
VIP Member

Sa first baby ko po health center talaga ako. Isang beses lg yata ako nkapag ob na private. Ok naman po panganganak ko and healthy naman si baby. Turning 7yrs old na ngayong august. And preggy po ako ngayon ng 8weeks hndi pa dn ako nkakapag pa check up sa ob sa health center pa lg dn po.😊

Try both. OB and Health Center. OB kasi is for monitoring the health of your baby. Health Center is for the health of the mommy. Sa OB lang naman may bayad and libre naman sa Health Center. Ganon po balak kong gawin para makalibre din ng vaccine at folic acid/vitamins sa Center.

ok naman sa mga health center, mas makakatipid kayo pero pag may kakaiba kayong nararamdaman na sa tingin nyo mejo bothering better consult your OB po, ganun din kasi sinabi sakin sa health center pero when it comes to medicines sa OB parin ako bumibili... hehehe

Pag sa OB ka monthly talaga yan, pero pag nasa 7mos onwards kana every week or other week na ang checkup mo kasi nga monitored talaga dahil malapit kna sa kbwanan, kung gusto mong makasigurado sa lahat mas maigi na sa OB ka talaga.

Okay lang naman po magpacheck up sa health center. Pero mas better magpacheck up ka din sa hospital na prefer mo at kung saan niyo po balak manganak para mas alam nila ang gagawin at lahat ng about sa inyo ni baby 😊

Pa check up ka sa ob sis kung marami kang katanungan na di ka nasagot sa center. Ilang weeks kana? Ako kasi 23 weeks na.. Advice ng ob ko once a month nalang daw ako magpa check up. Pero dati every 2 weeks ako pina papunta.

5y ago

Akorin ngyon every 2weeks na mag chchceck up sbini ob im 33and 6days n