Baby acne or rashes

Mga mommy normal pa ba to?? Sobrang nagwworry na ko kay baby. Thank you in advance. 1 month na siya.

36 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

yun baby ko nun minsang nagsisimula siya magkaroon ng ganyan. pinunasan ko ng binasang malambot na tela (binasa sa warm water). tapos yung latag sa higaan niya every 2 or 3 days pinapalitan, yung mismong unan niya nilalabhan din. try mo lang po. iba iba rin baby e minsan sa sobrang init din siguro. tapos dumi na dala ng hangin. iwasan din paghalik, kahit ako di ko hinahalikan si baby sa mukha or kamay. sa may dibdib niya na lang, kasi nakadamit naman, di dadampi sa balat😅

Magbasa pa

Ganito din si baby ko nung first few weeks nya mi. Aside sa breastmilk na pinapahid ko before maligo at sabon nya na cetaphil, mineral water din pansamantala pinapaligo namin sa kanya kasi minsan yung tap water sa faucet ang taas ng chlorine content po baka lalong lumalala yung acne nya. Pinapahidan ko rin ng baby acne ointment na product ng tiny buds at calmoseptine calamine salitan lang. Awa ng Diyos kuminis na ngayon, 2 months na po sya.

Magbasa pa
VIP Member

Hi mommy, neonatal or baby acne po yan. :) Avoid na lang po putting baby oil muna kay baby. Then change po soap sa mas mild (mustela, physiogel, cetaphil restoraderm/derma pro, ung mga ganyan po). Pwede rin po maglagay ng desowen cream, 3x a day on the affected area for 5-7days. Kapag sakali after 3days gumaling na, pwede na stop. Pero maximum na po ung 7days. Ung baby ko ngkaganyan rin po. Yan po binigay ng pedia nya. Hope makatulong to.

Magbasa pa

patignan nyo po sa pedia mii kawawa naman si baby🥺 ganyan din dati ung baby ko🥺 pero bago pa lumala pinatignan na namin. cetahpil derma pro at cetaphil cleanser unang reseta sa kanya, kaya lang ang tagal padin bago nawala. tedibar soap yung pangalawang reseta sa baby ko at nahiyang sya kuminis agad mii🥺

Magbasa pa

Nagkaganyan po si baby ko, nagpacheck up po kami and prescribed by doctor sa amin is Human Nature Baby Wash since may Skin Asthma daw baby ko. And guess what after 1 week lang po clear na yung skin nya and super effective ng Human Nature for sensitive baby skin talaga.

ngkaganyan baby q noon mommy ang galing ng resita ng pedia nmin.. foskina ointment 200+ only apply 2 tyms a day OTC nmn xa.. 2 days lng bgla ngsiwalaan ung acne ng baby q.. tz ung matitira itago mo lng pwd sa mga kagat ng lamok at magtagal ang expiration.

bka po laging kinikiss si baby sa pisnge. lalo na ng mga may balbas. bawal po ikiss sa pisnge ang baby. yung breastmilk mo lagay mo sa bulak every morning then ipahid or ihilamos mo sa muka nya everyday. iwan kiss kay baby. always sanitize po

possible dermatitis po yan. pa check nyu po sa pedia-derma. be sure po na ang laundry soap na gamit sa damit ni baby aii baby-safe. wag po pa kiss c baby sa mga may bigote baka allergic sya. use mild baby soap din sa paligo kai baby.

ganyan din si baby ko mi. 28days old. ako hinahayaan ko lang basta winawash ko sia ng warm water. normal ito sa mga babies. kasi ganito rin noon panganay ko, tas tung panagalawa meron din.

2y ago

pa check po kayo sa pedia 😊

baby acne mami... change soap ka tapos pa check up sa pedia para sa ointment... pero sinubukan ko breastmilk na iapply sa mga acne parang facial toner ... nakatulong naman po.. makati yan kaya mejo sleepless nights