pag dumi
mga mommy naranasan nyo poba ung sobrang iri sa pag dumi ? kasi po kagabe sobrang pag iri ko napaka hirap. napagod ako sa pag iri ngayon lang ako nakairi ng ganun. natatakot po ako kasi sa sobrang iri ko ung pwerta kopo parang namamaga sya tapos parang feeling ko lalabas. naaawa ako sa baby ko sa tyan ko kasi habng umiiri ako malikot sya akala nya siguro sya iniiri ko ?? ano poba maganda gawin para maiwasan ung ganun natatakot napo kasi ako

Normal po sa buntis ang constipated. Pero para maiwasan po more fiber ang diet and more water.
naranasan ko yan mommy.. wag piliiti. pag ayaw lumabas baka mailabas si baby ng wlà sa oras
Drink more water, eat fiber rich foods. Kung may budget try pitted prunes or prune juice.
Nararanasan ko rin Yan sa ngayon. Kaya pag maccr ako , magbabaon ako ng maraming tubig.
Naranasan ko din yan Mamsh, pagpapawisan ka talaga halos di ka na makahinga kakaire.
ako din po parang nag llbm hahaha simula nung uminum nang vitamins na pang 4 montsh
wag pilitin.. antayin mo kusa syang magrelease.. chances are maapektuhan si baby
ako po hinahayaan ko lumabas basain mo po pwet mo para po lumambot yung dumi
same after ng malakasang ere mo sa pagtae, parang may nakabara sa vajayjay
ask kolang ung pag dumi ko ksi basa at black nttakot aq normal po ba un
simplicity is beauty ♥️