poop ni baby

Mga mommy, nag aalala lang po ako sa newborn baby ko mag 1month palang sya sa feb.6 pero yung poop nia nag bago at may amoy na mabaho parang pang matanda ang amoy ng poop nia, tapos parang may kasamang malagkit

poop ni baby
7 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

USAPANG PUPU NG MGA SANGGOL Pagkapanganak ni baby, ang kulay ng pupu ay blackish-green ang kulay. Ang tawag dito ay meconium. Usually, dumudumi si baby within 24-48 hours pagkapanganak. Sa tulong ng pagpapasuso, ang meconium ay mapapalitan ng transitional stools, greenish yellow na medyo lusaw around day 4-5. Pagkatapos nito, ay mag-iiba na naman ang itsura ng pupu ng isang breastfed baby. "Parang binating itlog na may halong buto ng kamatis" (yellowish-seedy stool) - ito po ang pinakamadaling description ng pupu ng isang breastfed baby. If breastfeeding is going well, hindi po talaga siya mabubuo. Katunayan, medyo mamasa masa nga siya na meron kaunting laman. Ang normal na dalas ng pupu ng baby less than 6weeks old ay at least 3x/day. Minsan, mas madalas pa. Minsan, kada pagdede. Minsan may pahabol pa sa pag-utot. As long as umiihi din si baby ng madalas (>6x/day), hindi siya nilalagnat, siya ay happy baby at hindi nanghihina, ay hindi po siya nagtatae. NORMAL iyan. Pagdating ng 6 weeks old ng baby, medyo nareregulate at nagmamature na ang kanyang panunaw, o digestive system. Sabayan pa ito ng katotohanan na ang breastmilk ay EASILY ABSORBABLE, o madaling matunaw. Kaya magsisimula nang lumiban sa pagdumi si baby sa isang araw. Marami na ako naging patient na up to 6 days walang pupu. Some studies ng breastfed babies, up to 10 days walang pupu. 😁Nagpapanic na si Mommy, pero si baby, happyng-happy naman. Kung si baby ay dumumi naman within 24-48 hours pagkapanganak, anu-ano ang mga senyales na kailangan na siya ipacheck dahil hindi dumudumi nang matagal? 1. Pagsusuka 2. Paglaki ng tiyan 3. Pagiging Iritable ni baby(hindi mapatahan at all) 4. Hindi komportableng pag-ire 5. Hindi umiihi si baby 6. May dugo sa pagpupu. 7. Sobrang tigas ng pupu 8. Kulay puti na pupu. Kung wala kang matagpuan sa mga sintomas na ito, RELAX. Ok si breastfed baby. Lalo na at masayahin si baby, kumportable sa pag-tulog, kumportable sa pagdede, bumibigat naman at mukhang normal na normal, huwag ka na mapraning. Ipagpatuloy ang pagpapasuso. ========================== Ngayon, ibang usapan po kasi kapag FORMULA FEEDING si baby. Kaya po ako ay hindi nagrereseta ng iba't ibang formula. There is no single best formula milk. Ang nakakapagpatibi sa isang baby, ay maaaring nakakapagpaLBM sa ibang baby. In my own honest opinion, pare-parehas lang sila lahat, mapamura or mahal. Huwag ninyo nang habulin ang DHA/ARA (ibang usapan na iyan) para tumalino si baby. Kung nasa bahay lang naman po kayo at may gatas pa, magbreastfeed na lang po kayo. In my experience po, madami ang nagtitibi sa formula milk. Why? Ang Cow's Milk Protein content ng formula milk ang sanhi nito. Alam ninyo bang 4 ang tiyan ng isang baka? Kailangan ng baka ng 4 na chambers ng tyan para matunaw ang cow's milk. Imaginin ninyo po na isa lang naman ang tiyan ng tao. Kaya mas mabigat sa panunaw. Iyan din ang exact reason bakit busog ang baby ng 3-4 hours kapag nakaformula pero kapag breastfed, 1.5-2 hours lang, gutom ulit. Dahil mas madaling matunaw ang breastmilk kaysa sa formula milk. Kung hindi po dumudumi ang ating babies na nakaformula, tingnan ninyo po ang warning signs, para alam ninyo kung kailan kailangan nang ipacheck si baby sa doctor. DISCLAIMER: Ang post na ito ay guide lamang at hindi kailanman papalit sa harapang pakikipag-usap sa inyong personal na doktor. CTTO

Magbasa pa
Post reply image

Its either di nia hiyang gatas nia kung formula ka or may nakain kang nadede nia kung breastfeed ka, pero mas ok kung mapakita mo talaga sia sa pedia kasi sila lang ang mas nakakaalam nian at makakapag bigay ng wastong lunas.

VIP Member

Normal lang po yan mommy, yun baby ko 2 months paiba iba din kulay ng poop nya. Minsan dark green, minsan may pagkalight green pero madalas un yellow orange.

Ganyan din po sa 2months old baby ko po. Nakakaworry

May parang sticky din po ba Yung poop ng baby nyo ?

kung formula feed po si baby normal lang yan momsh

VIP Member

Normal lang po