36 weeks pregnant
Hello mga mommy na kapwa 36 weeks na Kumusta kayo? Anong paghahanda ginagawa niyo para sa paglalabor? Kabado bente na ako Dec. 19 edd ko. Praying for safe and normal delivery sating lahat. GOD bless every pregnant mom out there.
ready rin ako magnormal delivery hahahaha nagpakatagtag ako kaya super baba na ng tyan ko at nag aral pa ng breathing exercise. nung naglelabor na ako nagamit ko yung breathing exercise. 16 hrs inabot labor ko, puro turok pa ng pampahilab nagdidilate cervix ko ng mabagal umabot sa 6 cm. problema sa pelvis ko di nakakababa si baby sa maliit pelvis ko. dapat lying in lang ako, tas ob ko parin magpapaanak kaso pinatransfer ako ng ob ko sa hospital kasi di keri sakin ang normal delivery, naCS ako si ob ko nagCS sakin hhahahaha. nung nov 4 ako nanganak bukod sa pagreready nyo sa normal delivery, dapat may baon din na prayers, at dapat may nakaready ring PERA. puro sabi pa ko na kaya ko inormal del si baby kasi maliit lang sya kasi on diet ako as per ob 2.7kg lang si baby pero di ko nailabas ng normal del. ayooon naCS 120k nagastos, nung nalessan ng philhealth naging 87k. dapat open parin sa possibilities na pag nagkaroon ng complications for transfer sa ospital at maaaring maCS. pero sulit bayad ko sa hospital, ganda ng serbisyo lahat ng staffs mababait. ganda rin ng tahi at recovery ko thanks sa ob ko, sa taytay doctors pala ako nanganak. sa 3 days nakarecover na ko nakakagalaw na ko, minimal pain. mahal ng fee pero worth it. kung sa public yon, susungit sungit ka ng staffs at bagal ng recovery.
Magbasa pa