frustrated. HELP.
Mga mommy, magopen up lang ko dito ah. Hindi ko na kasi alam gagawin ko. Im a new mom, syempre may mga matatanda tayong nagtuturo saten tulad ng lola at nanay. Kaso di ko alam kung anong susundin ko tulad ng wag daw paliguan ang sanggol ng isang linggo hanggat di natatanggal ang pusod, e ang sabi sa ospital paliguan daw agad. Wag ko daw sundin yun, ginawa ko nga tapos nagkaroon ng rashes si baby, bakit ko daw hindi nililinis si baby kaya daw nagkaroon. Hays. Tapos yung sa bigkis sabi ang bilin saken ng ospital wag lagyan pinapagalitan ako, kaya nilagyan nila. Tapos ngayong meron, nangamoy yung pusod habang malapit na matanggal. Sabi saken bakit di ko daw kasi nilagyan ng maaga. E okay naman yung pusod ni baby nung wala e. Wala namang ganun nangyari nung di ko nilalagyan. NAIIYAK NA KO MGA MOMMY KASI HINDI KO NA ALAM KUNG SINONG SUSUNDIN KO. GUSTO KONG MAGING HEALTHY SI BABY PERO PARANG MAS MARUNONG PA SILA TAPOS ISISISI SAKEN KAPAG MAY NANGYARI. PENGE NAMAN AKONG PAYO MGA MOMMY.
mother instinct tlga sundin... lahat ng payo satin minsan hindi applicable sa baby.... pero sakin nanay ko lang naman katuwang ko magalaga yong mga ginawa nya noong baby ako sinunod ko sa baby ko... I trust mothers knows best.. like yong bigkis nanay ko ang gumagawa at first nong matutunan ko na ako na. hindi naman namin hinihigpitan para hindi maiipit tiyan ng baby.... until 6 months ko binigkisan meron syang bigkis ng mahaba para hindi mahigpit kahit nalaki n sya... hindi sya kinakabag at yong tiyan nya maganda form hindi lakihin n bilog. happy naman ako sa result... pati pag gamit ng mansanilla..until now 8 months n sya.. im still using it... sabi ng nanay ko hangan 2 years but if necessary I will still used it kahit lumaki n sya. anak ko sabay kaming naligo pag tangal ng pusod nya... tiniis ko . punas at halfbath lang. nakaya ko naman.. baka daw kasi mabinat ako.... yong pusod ng anak ko sobrang ganda ng pagheal malalim pa at never nagnana... may bigkis yon.. meron p ngang barya sa bigkis after matangal pero parang 1 week lang kasi sabi ko pwde ng wala barya... hindi naman nagalit nanay ko. nasunod din naman sya sa gusto ko para sa anak ko.. if sa tingin ko hindi maganda sa baby ko hindi ko ginagawa... yong alam ko lang n may benefits sa baby ko. yong baby ko awa ng DIYOS ok naman kahit sinunod ko yong mga payo ng nanay ko..... naniniwala akong iba n panahon ngayon kesa noon pero may mga bagay p din n applicable parin ngayon hindi pamanhiin pero the way na inalagaan yong mga bata noong unang panahon... iba iba ang needs ng mga baby... kaya nasa ating mga ina nakasalalay kung ano ang ikabubuti nila. tayo parin ang huling desisyon. kung ano ang sa palagay mo tama yon ang sundin mo mommy. basta lang respect their advise and be humble to say no in a nice way explain it well sa kanila... maiintindihan din nila if makita nila ok naman mga desisyon mo for your baby sake....
Magbasa paIm a FTM din mommy. Yung inlaws and parents ko madami din pamahiin. Pero dahil baby ko yung pinag uusapan,my rules pa din yung masusunod. My iba na sinusunod ako na sinasabi nila my iba din na hindi. Sa pusod ni baby ginagamit ko isoprophyl 70% without moisturizer every morning and night and make sure na dry. Nung una wala ako nilalagay na bigkis kasi yun yung sabi sakin ng doctor pero napapansin ko na lagi tnataman ng damit or diaper kaya after 3 days nilagyan ko na ng bigkis pero d ganun kahigpit and mas less yung iyak ni baby unlike before na wala kasi lagi nasasagi.Then about sa paliligo 3x a week ko lang gnagawa or punas punas nlng with warm water. Then kung papaliguan mo make sure na wag mong babasain yung pusod. Kahit ftm ako ako na nagpapaligo kay baby para matuto din ako and mas mabilis,yung katawan nya yung maliit na towel sinasawsaw ko lng sa warm water then yun yung pinapamunas ko sa buoung katawan at face without soap kasi maddry skin ng baby then sa ulo johnson body wash nilalagay ko sa towel then kuskos then yung ulo yung bnubuhusan ko ng tubig. make sure na tuyo yung buhok bago mo ihiga si baby.
Magbasa paWalang masama kung susunod ka sa nga payo ng matatanda. Sa pagpapaligo ng bagong silang na baby naman same din yung sinabi sakin 6 days hindi ko niligo si baby ko. Peru twice a day ko siya nililisan ng katawan isa sa umaga at bago matulog. 8 months na siya ngayun tuesday and friday di ko siya nililigo [sabi din kasi ng mga matatanda at walang masama sundin] Sa pusod nmn ni baby dapat twice a day mong nililinis and nya using bulak or cotton swab 70% solution alcohol ang advise sakin or refined alcohol. Dapat mas triple ingat lalong lalo na sa pusod ng baby mo. Di pwede ma infect kaya dapat malinis lagi. At sa bigkis nmn sist never kong bilagyan ng bigkis baby ko di na kasi yan advise ng mga doctor kasi na sinabihan ako ng MIL ko na bigkisan di ko pa din nilagyan kasi daming case na nahihirapan ang mga baby huminga kasi minsan nahihigpitan ang tali. Ikaw pa din mag dedesisyon para sa anak mo. Hindi ibang tao. Walang masama kung itake mo yung advise. Depende sayu yun. Mother knows best ika nga.
Magbasa paPerosnaly, mahirap talaga lumayo o umiwas sa nakagawian na ng mga matatatanda lalu na kung kasama mo sila bahay. But for me you can work it out half way na payo ng ospital at matatanda pero kung hindi kaya ng half way, ito lang isipin mo, that is your child the final decision is yours and only yours; you are the parent. kahit anong mangyari may comment ka talaga maririnig sa ibang tao at sa kasama mo na matatanda sa bahay nyo. Ang ginawa ko sa bawal daw paliguan pero dapat ng paliguan na issue is sponge bath, punas punas lang pero maligamgam na tubig ang gamit ko then nung nag 1 month na pinaliguan ko na kagad. Sa bigkis, 3x a day ko nililinis ang pusod naglagay ako ng bigkis pero di mahigpit at may pahinga hindi straight na 24 hrs dahil mahirap na baka makulob ang pusod kasi same lang yun sa ibang sugat na pag natatakpan lagi ng bandage hindi natutuyo kaya may tendency na mainfect din.
Magbasa paNdi Po nkakafrustrate Yan Mami, it's up to u if what is more better for ur baby. Ikaw ba mas gsto mOng wag mligo Ng 1week and common sense, if ever cnabi Ng mtanda bwal pliguan edi dpat pnupunsan mo c baby Ng warm water with alcohol KC mblis kapitan Ng germs Ang mga bagong panganak na baby. And for d 2nd nmn na klengan lgyan ng bgkis c baby hbng my pusod pa,I do that but before ko sya bgkisan nli2nis ko Muna UNG plibot Ng pusod with alcohol den pagkabigkis sa knya panpatakan kopa ulit Ng alcohol UNG mismong part NG bgkis kng saan nandon UNG pusod pra ndi Po sya bumaho.. Kya Po kc pnabibigkisan Ng mga Lola Ang baby is pra ndi maging butusin UNG Bata paglaki. Un Po turo Ng Lola KU sakin. Just sharing lng Po KC 17 yrs old lng poko nun naging 1st mom. Don't be frustrated sa mga matatandang aral,smahan lng Po nG konting common sense KC ikaw o DN Po un masusunod any way.godbless po
Magbasa paSino? Byanan mo ba or magulang? Or lola? Alam mo sis ikaw nanay ikaw masunod. Example nalang ako. New mom. Madame sakin pinaamahiin ang nanay ko pero lagi ko syang sinasabihan na ob ko na nagsabi pedia na ni baby nagsabi na wag bibigkisan. Paliguan araw araw. Ako nasusunod ultimo sa byanan ko punasan lang daw noon naman daw di araw araw pinaliliguan ang bata. May bunganga ako kaya sumasagot ako but in a nice way. Sabihin mo sa mga yan na gabayan ka lang nila hayaan ka maging ina sa anak mo kung baga para matuto ka.. Magsalita ka. Wag kang tumahimik lang sis.. Kung may bagay ka na di alam ipag tanong tanong mo. Pero kausapin mo sila na wag mangealam.. Nanay ka kamo wala kang gagawin na ikapapahamak ng anak mo.
Magbasa paAng babg ko nung bagong panganak aftr 3 dys naligo na tpos everyday sya ligo..about sa pusod ok lng mabasa wag lang ibabad or lubog sa tubig kasi kung mapapansin mo nowadays pag labas ni baby may clip or clamp ung pusod diba kya pwede basain unlike nung panahon natin wlang ganun pusod natin kaya bawal mabasa..basta make sure aftr ligo patakan mo ng Ethyl alcohol ang pusod ni baby at twing papalitan mo ng diaper patakan mo alcohol mas mabilis matuyo at matanggl pag ganun.. sundin natin ang advice ng doc kasi di nmn sila mag aadvice ng ikakasma natin or ng baby though may mga sinsabi sila na di ko rin sinusunod ung iba..like wag dw phiran ng manzanilla ai baby etc..ako ksi naglalagay pa rin lalo sa hapon para iwas kabag..ayun
Magbasa paMommy okay lang ba gamitan ko siya ng lactacyd baby wash? 1 week old na siya and tanggal na pusod nya. May mga rashes na kasi siya sa leeg e.
mahirap talaga yan, ako din nung bagong panganak ako andaming mas marunong sakin lalo na pag mga byenan ang usapan tapos lahat ng sinabi o tinuro sakin sa ospital wag ko raw sundin. grabe hirap ko nun kasi wala ako magawa dahil first time ako pero i do my research, palagi ako nagbabasa kung pano dapat gawin. medyo weak ako nun eh minsan hinahayaan ko sila sa gusto nila gaya ng sinulid sa noo pag sinisinok pero pag feel ko na hindi na pwede yung mga paraan nila na ginagawa dati, nagsasalita nako yun nga lang magagalit sila sakin pag diko sila sinunod 😂 hay nako ang hirap ng ganyan pero ive learned na dapat ikaw ang masunod kay baby mo, stand your ground ma. kaya mo yan
Magbasa paMommy, i feel you. Pero eto lang ang take ko dyan. Pwede silang mag advice pero at the end of the day, ikaw ang nanay. You would know what's best for you child. Ganyan din nanay ko at mother in law ko. Gusto painumin ng tubig at pakainin kahit wala pang six yung anak ko. Pero di ko sila sinusunod. Sinusunod ko yung instinct ko as a mom. Nirerespeto ko ang opinyon nila pero kailangan din nilang respetuhin ang desisyon ko para sa anak ko. Ganun lang din yung sayo mommy. Be firm. Kung mas feel mong sundin ang pedia, go. Kung alin ang sa tingin mong makakabuti sa anak mo, dun ka. Ikaw ang magdesisyon para sa anak mo. Hindi ibang tao. Kahit pa magulang o lola mo sila.
Magbasa paYan kasi problema sa mga kinagisnan nila dati. Hanggang ngayon pinipilit nila kesyo wala namang nangyari nung sila ang may baby. Pero diba, hindi naman lahat ng nakagisnan dati eh, eh pabor pa rin na gawin ngayon, lalo na't may proof kung bakit hindi nakakabuti yung bagay na yun. I suggest mommy sundin mo na lang yung pedia ng baby mo kung di ka sure sa mga advise ng relatives mo. Pwede ka rin magresearch muna online if adviseable ba na gawin or hindi. Follow your instincts mamsh, kung ano sa tingin at pakiramdam mo na mas makakabuti kay baby, yun sundin mo hindi ibang tao. Kasi at the end of the day, ikaw ang nanay nyan, ikaw dapat ang masusunod.
Magbasa pa
Grateful Mom of Mathieu Anthony