frustrated. HELP.

Mga mommy, magopen up lang ko dito ah. Hindi ko na kasi alam gagawin ko. Im a new mom, syempre may mga matatanda tayong nagtuturo saten tulad ng lola at nanay. Kaso di ko alam kung anong susundin ko tulad ng wag daw paliguan ang sanggol ng isang linggo hanggat di natatanggal ang pusod, e ang sabi sa ospital paliguan daw agad. Wag ko daw sundin yun, ginawa ko nga tapos nagkaroon ng rashes si baby, bakit ko daw hindi nililinis si baby kaya daw nagkaroon. Hays. Tapos yung sa bigkis sabi ang bilin saken ng ospital wag lagyan pinapagalitan ako, kaya nilagyan nila. Tapos ngayong meron, nangamoy yung pusod habang malapit na matanggal. Sabi saken bakit di ko daw kasi nilagyan ng maaga. E okay naman yung pusod ni baby nung wala e. Wala namang ganun nangyari nung di ko nilalagyan. NAIIYAK NA KO MGA MOMMY KASI HINDI KO NA ALAM KUNG SINONG SUSUNDIN KO. GUSTO KONG MAGING HEALTHY SI BABY PERO PARANG MAS MARUNONG PA SILA TAPOS ISISISI SAKEN KAPAG MAY NANGYARI. PENGE NAMAN AKONG PAYO MGA MOMMY.

77 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kaya ako kahit anong sabi ng mother ko na ganito ganyan di ko sinusunod. Iba na po panahon ngayon, mga myth nalang po yan ng mga matatanda. Ang pusod po hindi dapat kinukulob. No to bigkis n din po kc possible n mhirapan si baby huminga. Everyday din po paliguan c baby para iwas rashes. Napakainit po ng panahon ngaun. May ibang sumusunod pa sa mga nkaugalian but I'd rather do it if my scientific explanations, pag wala di ko tlga ggawin. My baby, my rule. Sabihan mo sila in a nice way kesa naman makita mo ung baby mo na nagkakaganyan.

Magbasa pa

Hi mommy, kung ako din mafufrustrate ako. Share ko lang sa yo kung makatulong, dahil dumaan ako sa ganyang sitwasyon. Ang ginawa ko nag join ako dito sa App and nag google ako ng mga sagot. Tapos hindi ako nagtiwala sa mga sagot dito, chineck ko din ano ang facts. Nagtrust ako sa sinabi ng hospital and okay lahat! Wala pa 1 week tanggal na pusod ni baby, hindi namaho or anything . Mommy may trust ka din sa iyong sarili, nainis ako sa mga kapatid ko nung sinabi nila pero totoo pala - nasa instinct din natin.

Magbasa pa

Mommy unang una ikaw ang nanay nang bata. Pangalawa wala nang pangalawa.hahaha joke. Pinapatawa lang kita. Alam mo yung kasabihang MOTHER KNOWS WHAT IS BEST FOR THEIR BABY? ayun ka mommy. Ikaw mag dedesisyun para sa anak mo. Yang mga oldies gabay lang yan sayo. Isense mo tama ba mga advise nila? Susundin mo ba? Mapapabuti ba anak mo o mapapasama? Ikaw lahat mag decide. Ano't ano man ang mangyari ikaw at ikaw parin mahal nya.. hehe charot! Ikaw parin ang masisi ano man mangyare sa anak mo. ๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡๐Ÿ˜‡

Magbasa pa

I feel you mamsh.. kaya talaga dapat pag bubuo ng pamilya dapat bumukod.. doctor po ang sundin mo.. wag kahit sino, kahit nanay mo o byenan mo! Iba na po ang environment natin ngayon.. 2020 na fayo hindi na tayo sa panahon ng mga lola natin! Tapos pag my masama nangyari sa nanay ang sisi.. naku naranasan ko yan! Hanggang ma trigger ang post partum mo.. makinig ka sa doctor at sa motherโ€™s instincts! Alam mo kbg ano mas okay sa anak mo.. believe me.. wala ng hihigit sa pag aalaga ng isang ina!

Magbasa pa
VIP Member

Yung bigkis kasi nakakapigil ng paghinga ni baby yan.. Kaya bawal tlga.. Regarding sa mga matatanda.. Medyo mahirap baliin yan.. Ending sasama pa loob nila.. Nung time ko sa 1st baby ko, hinahayaan kong lagyan nila. Tapos pag nasa bahay na kami. Tinatanggal ko. Hahaha.. Tapos hindi ko na ilalabas.. Pag dating sa pagpapaligo. Naku hindi sila makakontra sakin.. Ako nga sa hospital plng naligo nko.. Lagkit na lagkit ako syempre super dumi ng dugo.. Parang lalo akong mabibinat sa baho ko

Magbasa pa

Always paliguan si baby, hindi naman na kailangan lagyan nag bigkis basta make sure na dry yung pusod nya after maligo. Nangamoy din ung pusod ng baby ko kaya pinacheck up ko na agad agad. Wag mong sundin yung gusto ng iba gawin sa anak mo, ikaw yung nanay ikaw masusunod basta makakabuti lang kay baby. Kung di mo alam walang masama mgtanong kung sa tingin mo tama yung advice gawin mo. Pero sakin nagtatanong ako sa matatanda at may experience na pero nagsesearch padin ako hehehe

Magbasa pa
5y ago

Ate so okay lang mabasa yung pusod basta e dadry lang after maligo? Ftm here. Thanks.

VIP Member

Hi momsh, un pedia/ospital un sundin mkc cla un my alam. Un hndi pgligo ng baby ng 1 week its a no no, un init ng singaw sa katawan nten tyong mtatanda nga hndi komportable pg hndi nkaligo wat more p un baby. Un bigkis hndi adviseable lagyan an baby kc dun cla humihinga. Pansinin mo momsh sa tyan humihinga un baby, so panu pg my bigkis cia e' d mhihirapan cia huminga. Un xpert an sundin mo momsh hehe. Iexplain mo nln sa mga lola's in a nice way pra hndi mgtampo syo.๐Ÿ˜‰

Magbasa pa

Your child your rule. Ganyan kasi ibang matatanda hinahalintudan nila kung ano pamamaraan nila noon. Yan din problema ko sa mil ko. Akala nya alam nya lahat. Porket madami na sya anak tska apo. Nung una nahihiya ako pero sumusobra na just because ftm ako parang pinapamukha nyang wala ako alam. Eh mas mali naman pinaggagawa. Kaya ayun, natoto akong humindi pag alam kung mali sinasabi nya kahit pumilit pa sya. Diko na hinahayaan gawin nya

Magbasa pa

I feel you mommy, hehe 1st time mom here nalilito din po ako sa damidaming sabisabi ng matatanda, pero nung 1stmonth ng baby ko hindi ko tlga sinusunod c mama hehe kahit nagagalit na sakin, pagkalabas ng baby ko hindi tlga ko gumamit ng bigkis, tapos araw araw ko din sya pinapaliguan hindi ko sinusunod yung bawal paliguan ang bby pag MARTES at FRIDAY hehe , pero ngyon andito na ko sa poder ng asawa naku need ko na ata sumunod ๐Ÿ˜…

Magbasa pa

mahirap talaga yan madami kaseng paniniwala lalo na ang mga matatanda gaya din sa nanay at tatay ko binigkisan nila kahit sa ospital sinabing bawal pero sinunod ko din, pero yung ibangvsinasabi nila na paniniwala hindi ko na sinunod magulang ko kungvsa tingin ko makakasama sa baby ko sinabi ko sa kanila na ako ang nanay kaya ako ang masusunod sa anak ko kaya gawin mo mommy kung ano sa tingin mo na makakabuti kay baby..

Magbasa pa