βœ•

29 Replies

dati nung mga 28 y/o ako (2018), nalaman ko polycystic yung 2 ovaries ko.. sabi ng OB kung gusto ko daw magnormal yung menstruation ko, pwede ako magtake ng pills for about 3mos para lang sanayin muna yung system ko na datnan buwan buwan, then sabayan ng proper diet at exercise. tinuloy tuloy ko lang yung pills hanggang almost 4yrs. sabi ng partner ko baka hindi na daw ako mabuntis dahil sa pills. tinigil ko netong March yung pagtake to try to conceive na. April dinatnan na ako ng normal mens kc may mga PMS na rin akong naranasan which hindi ko naranasan sa loob nung almost 4yrs na nagtake ako ng pills. sabi ko wow, ambilis naman din pala bumalik sa dati ng menstrual cycle ko. pero after that, May to July hindi na ako dinatnan. PT ako ng PT kc baka kako buntis na ako pero (-) lagi. until nung July 26, naisipan ko ulit mag PT at ayun, (+) na siya! nagpacheck up ako agad pag uwi and going 4weeks palang pala yung tiyan ko nun. akala ko mag 3months na due to the period delay. hehe.. also, nakita sa ultrasound na normal na yung isang ovary ko. malamang dun galing yung egg na nafertilized. may good effect din ang pagtake ko ng pills pala. ngayon almost 11weeks na si baby. 32 y/o na po pala ako. not too late pa pala para mabuntis. ayun. share ko lang po.😊 para po sa mga trying to conceive, fighting!!!

try and try lang po. bibingo din po kayo soon. 😊 God bless po.

ganyan din ako nung una 3 months di ako nagkakaroon pero alam kong ireg ang mens ko . triny ko pumunta sa ob nakita pcos . pinagdiet at pills ako nun . daming bawal una sinusunod ko kaso nung nd ako mabuntis kahit sinunod ko yung ob bumalik ako sa pagkain ng bawal .. nawalan ako ng pag asa until nakausap ko cousin ko sabi nya magpills lang daw ako yung diane pills .. tapos sinabayan ko nung pinakuluang dahon ng guyabano .. biglang hinto ako sa pills 2 months di ulit ako nagkamens binalewala ko lang kasi ireg nga ako pero naramdaman ko na yung dibdib ko medyo sumasakit tapos feeling ko may gusto ako kainin lagi ilang beses ko kinumbinse asawa ko na bumili ng pt pero ayaw nya nga ksi hanggat di ko daw sinusunod si doc na magdiet ako at panay inum ako ng soft drinks di daw ako magbubuntis kasi nga sa pcos ko .. eh inaway ko sya nung last na pangungulit ko sakanya na bumili .. nashock ako kasi 2 pt ko positive agad .. ayaw pa din maniwala ng asawa ko kaya bumili ulit sya ng 3 and still positive result partida gabi ako nagpt nung 3 . tapos nagpunta agad kami sa doctor and ang result 7 weeks and 4 days na akong preggy rinig na din namin heart beat ni baby . samahan mo ng dasal lagi sis bibigay in Lord sayo yan ..

congratulations po mi β™₯οΈπŸ˜‡

wala ako pcos mami regular menstration ko pero like you nahirapan dn kme ni hubby for 6 years kme nagtry kme different ob pra magpaalaga, payo din sa amin sa fertile day kme mag do, hindi umepekto sa amin un, try nyo right after menstration kung saan malinis pa un ovary mo, then after every do maganda sa madaling araw un yipong nskatulog na kayo tpos after sleep kayo ulit, tapos chill lng kayo bka kc nasstress kayo preho since gusto nyo na makabuo, enjoy nyo lng no worries wag nyo isipin na bubuo kayo, nkakaapekto dn kc un stress ganyan din kme, paulit ulit namen sinusunod un calendar nakakastress, kya sabi q ky hubby auko na tumingin sa calendar basta we did it without thinking if my mabuo or wala ☺️ try nyo lng mami wla din naman mawawala 😁

Mommy PCOS both ovaries din po ako and we’ve been trying for 5 years po. Marami na din kami OB napuntahan..Para makabuo, ng stop po kami pareho mag work para maka rest..a year na rest nabuntis po ako, unfortunately nawala din on the 3rd month.try na naman po kami..after a year nakabuo ulit and now on my 8th month po..from 1st month till now bed rest po ako..So mommy, if stressful ang work mo if may work ka or may stress ka sa life nakaka apekto din po.Career po namin(operations manager po ako dati and chief engineer ung hubby ko)sacrifice po namin for this bundle of joy..Kaya wag po mawalan ng pag asa..in God’s perfect time ipagkakaloob po yan sa inyo..πŸ™πŸ»

ganyan din ako dati lagi akong nabibigo may time na magPPT ako pero dinako nag Eexpect na positive then 1time nag try diko kasi alam kung anong exact date kung kelan ako magkakaron basta monthly ako nagkakaron ganon then napag isipan kolang mag PT Parang trip kolang although diko pa naman alam kung delayed nako non then pag try ko ayon positive nagulat ako bakit positive then yung pala buntis nako then 5weeks wala pang nakita napraning nanaman ako kasi wala pang nakikita then bumalik ako mga 2weeks nakita na namay baby sa loob buntis talaga ako kaya wag ka mawalan ng pag asa ako nga dati laging bigo nung nawalan nako ng pag asa saka naman nagkaron

nakita po 2-5minutes po mi .

same tayo mami, me pcos din ako both ovaries and gusto na ng baby kaya panay ako nag papa ob, august 13 papa check ko lang sana pcos ko kung me improvement pero nakita me egg ako kaya sabi ni ob, abangan namin un kung kailan ako mag ovulate dat daw araw araw kami mag do ni hubby, sinununod naman namin ung payo ni doc gang august 25 every other day ang do namin, tas nung august 28, naisipan ko na mag pt dahil iba na na raramdaman kong katamadan πŸ˜‚ ayun positive na tas nung nag ob kami ng sept 1, nakita na si baby with heartbeat. tas sabi ni doc 6weeks and 2 days na daw si baby nun ..

congratulations po mommy, Sana all po.. πŸ™

Mommy wag kang masyado magpakastress. Enjoyin mo lang at in God's perfect time ibibigay Nya sayo yan πŸ‘Άβ€οΈ Isa rin kasi yung stress na nakakaapekto kaya hindi makabuo. Ako mommy 5 months kami nagtry bumuo pero di pa kami live in nung 1st 3 months kaya di regular pag DO namin ni bf. Nagdiet lang ako mi then natulog ng maaga at inalis yung stress in one month po na magkalive in na kami nakabuo na po. 29 weeks and 5 days na now πŸ’™ soon mommy ikaw naman. Pinagdaanan ko din yung ganyang hope bago ako nabiyayaan kaya wag kang mawawalan ng pag asa mommy darating din yung baby mo.

Way back 2019 I was diagnose sa pcos kaya iniwan ako ng ex ko kasi dko daw siya mabibigyan ng anak 😢 Ang ginawa ko tamang pagsunod talaga sa payo ng doctor at uminom ako ng Paragis Mix Capsule always ako nagpipray na sana gumaling ako at mawala ang pcos ko kasi ayoko makipagrelasyon na may sakit na pcos. Now 2022 I am 37 weeks preggy β™₯️ dko alam paano na wala at paano ako nabuntis pero grabi ang pagtry namin sa father ng baby ko para makabuo and atlast! nagbunga din yung pangarap namin hehehehe I am 25 yrs old by the way.

share ko lang din sakin mi since 2015 PCOS din ako. pinagtake ako ng Pills pra ma okay mens. well, na okay naman talaga sia pero after ko gumamit ng Pills bumalik na naman. Pero last year nag start ako mag diet kahit payat naman ako πŸ˜… wala diet2 lang hehe hanggang sa unexpected nabuntis ako after how many years of waiting. Ngaun po 9 months preggy nako. wag po kayo mwawalan ng pag-asa. Last year dec. grabe prayers ko na sana mabigyan nako ng baby,.

Wag ka mwlan ng pag asa po,ako nga po 12yrs na kmi ni partner ngaun lng kmi nabigyan ng baby,nag diet lng ako maige nun april tas d nman po tlga ako nagkakaron kc pcos napaka hirap magkaron tas nag pills pa ako athlea,nagulat nlng ako nun aug12 nag pt po ako positive kaya aug15 nag pa check up nko nkita po sa ultrasound 15weeks and 1 day na po ako preggy khit ako gulat kc tlgang wla na sa icp nmin mabuntis po ako.18yrs na po kc un panganay ko..

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles