How do you deal with this situation?

Hello mga mommy! How do you handle a situation where asking for help is considered as pinag iisipan daw? Like paghehele kay baby o pagbabantay whenever you want to rest after an exhausting day. I asks for my partners help na s'ya na maghele kay baby kasi ayaw matulog kahit antok na antok na kanina ko pa hinehele, naghyper pa lalo nung makita s'ya, then he answered me bakit daw pati pagpapatulog pinag iisipan ko pa? Nakapagtimpi lang ako kanina kasi malapit lang sa kwarto na tinutulugan namin yung mga kapatid n'ya pero deep inside gusto ko s'ya saktan physically or sagutin because of his attitude. And then one time when we visited his family, (sa'kin kasi dumedede si baby)may formula milk silang binili para daw tumaba si baby kasi doon sa milk na yun tumaba yung mga cousins nila, that moment feeling ko parang balewala ako as a mother, ni hindi man lang ako tinanong ng partner ko if okay lang ba basta pag family n'ya ang may gusto sige lang s'ya kahit alam nyang ikagagalit ko. Alam ko I'm overreacting pero kasi kagagaling lang ni baby sa diarrhea n'ya and malay ko kung hindi s'ya sanay sa gatas na yon pero sa huli wala rin ako nagawa kasi mapipilit, pinainom pa rin nila kahit ayaw ko. Yung partner ko hindi man lang nagreact kahit nasabi ko na before na ayaw ko pa imix feeding si baby. Nagalit pa sa akin nung nakita n'ya na nakatingin ako sa anak ko habang pinapainom nila. Haynako buhay may in-laws nga naman na mahilig makielam๐Ÿคฆ๐Ÿปโ€โ™€๏ธ

6 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
TapFluencer

medyo hindi ko gets yung unang part mommy. hehe. dahil yata madaling araw pa at nandito na ako. perooo, share ko na lang ung experience ko regarding sa pinapakialaman. ๐Ÿ˜…. first baby namin at first apo sya sa side ng asawa ko. ang daming pamahiin at kung anuano pa. gusto din nila painumin ng katas ng amapalaya kasi daw madilaw sya mag2 months na sya noon. gusto din ipagformula na lang ng lola ko kasi daw kulang ang gatas ko dahil pag nagpump ako wala man 1oz lagi. wala akong ginawa sa pamahiin at mga advice nila na alam kong makakasama sa baby ko. pero tumatango na lang ako pag may sasabihin silang gawin ko. buti na lang nirespeto un ng asawa ko kalaunan. sabi nya wala naman daw mawawala nung una. pero sabi ko meron. paano kung magkasakit ang anak ko? communication is the key kay husbando. ๐Ÿ˜Š. nung pinpilit pa din nya sabi ko sya ang gumawa tapos kung may nangyari kay baby sya ang sisisihin ko. ayun nanahimik hehe. lahat ng inadvise naman nila tinanong ko sa pedia ni baby kung pwede gawin, pag hindi, hindi ko gagawin. nakabukod nga pala kami. ngayong 3 months na si lo, i am happy to say na i proved them all wrong sa mga advice nila. di na yellow si baby, pumuti na sya dahil pinapaarawan ko. exclusive breastfeesing pero nananaba na sya at sakto sa timbang. di rin sakitin at masigla. malikot pa nga. hehe. prove them wrong din sis. tango tango ka lang pero at the end of the day anak mo yan. ikaw ang magdedecide ano ang gagawin. we only want what's best for them. ๐Ÿฅฐ

Magbasa pa
2y ago

UP! LEGIT ito!