FIRST TIME MOM

Hello mga mommy! Hingi lang ako advice hehe first time mom po kasi ako and bukod po kami ni partner both sides. Kumbaga ako at siya lang talaga and malapit na rin ako manganak. Gusto ko sana na kahit manganak ako is bukod pa rin kami. Gusto nya kasi na kapag nanganak ako is doon muna kami sa Mama ko para raw may katulong ako kay baby and sa pag galaw galaw ko kasi mag work pa rin siya. Ayoko naman kasi nahihiya ako makitira kahit ilang buwan lang sa Mama ko dahil una sa lahat hindi naman kanyang bahay yon kundi sa step father ko and baka manibago yung mga tao sa bahay once na may baby. Gusto ko sana ako na lang mag-alaga kahit mahirap is kakayanin tutal choice ko rin naman na mag anak. May same experience po ba rito na after manganak is walang kasamang fam or matanda bukod kay mister? Thankyou. #firsttimemom #advicepls #firstmom #firstbaby #FTM

22 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

Same tayo mommy, ganto ganto rin set up ko after manganak ako lang magisa magaalaga sa baby yung lip ko naman sabi niya sakin kapag kaya ko na kumilos kilos saka niya ko iiwan for work, since umuupa kami at siya ang provider sa ngayon dahil buntis pa ko then after mag aalaga pa ng baby kapag anak ko , due ko na this month oct. 23. Good luck to us mommy!!!๐Ÿ’— kaya natin to para sa anak natin lahat gagawin. Pray lang tayo always na gabayan tayo ni Lord๐Ÿ™โฃ๏ธ

Magbasa pa