79 Replies
Hi Mommy kung hanggang saan maximum na kaya ng budget mo. Pero isama mo na sa budget mo either cs or normal para at least may buffer ka po. Nung time ko po 100k alloted budget ko pero sympre di ko kaya gumastos ng ganon kasi pag labas ni baby ang dami pang gastos lalo na yung mga vaccine nya at mga baby gear kaya pinili ko mag public hospital kasi baka mamaya kulang ung 100k kapag nag private kami at ma-cs pa. Mag canvass ka na po ngayon palang kung saang hospital or clinic mas mura manganak ng cs or normal para at least ready kana financially. Mahirap kasi magkanda utang-utang ka pa. Nung nanganak ako 750 pesos lang nagastos ko sa public hospital 3 days pa kami nag stay don, hindi nga lang ganon ka komportable kasi 3 patient kami sa isang bed. Pero aarte pa ba ako nandon na ko at gusto ko makatipid. Hehe Pero sympre iba talaga ang serbisyo sa mga private hospital at clinic kaya kung san mo gusto go lang Mommy.
worst case sa amin kasi preterm baby ko, sa east ave ako nanganak. 33k sa baby ko kasi nag stay sya ng 19 days sa ospital. 34weeks sya nung inilabas ko and bukod yung 12k na nagastos sa panganganak ko. and dahil from cavite pa kami nag rent kmi ng unit worth 11k, near sa hospital for 7days lng kaya budget nmin at para hindi na kami uuwi at mabantayan namin yun progress ni baby. bukod parin yung ibang gastos like pamasahe pabalik balik at pag bili namin ng mga gamit para sknya, kung alam lng namin na ma ppreterm ako at gagastos ng malki sana hindi kami bumli ng worth 30k na gamit ng baby like crib and whatnot ang ending wala kmi halos ipon. now im 33weeks pregnant balak ko s lying in manganak para mas tipid 😓
• Kamuning Lying-In Clinic - QC (Normal Delivery only- Public) : Free (as long as you do your pre-natal check up sa clinic nila and may philhealth ka) •St. Christiana Maternity Hospital - Pasig (Private): Dra. Catapang- Combate 50,000- Doctor,Anesthesiologist,Pedia 30,000- Hospital (maleless pa ng philhealth) p.s. this was her rate last 2016 I'm not sure if yan pa rin rate nya •Novaliches District Hospital -QC (Public): Free (as long as you do your pre-natal check up sa hospital nila) p.s. Ikaw ang bibili ng gamit mo pampaanak. They will give you a list of what you need like needles, dextrose, gloves, etc.
ang nagastos ko skin plng 65k na kc cs ako, less n philhealth,3 doctors din humawak skin kc emergency cs nko nun, after 3 days nadischarge ako,tpos naiwan c baby sa hospital,naconfine cya ng 7 days,,,,ky baby bill nmin 70k,less n jan phikhealth kaya sumatutal nsa nsa 135k ngastos nmin wala n jan ung mga iba pang binabayaran nmin ng cash habang nka hospital p kming mag ina,hindi nmn inexpect n ganun kalaki mgiging gastos nmin,ayos lng nmn basta safe kmi mag ina at awa ng dyos mkakaraos din,,private hospital po kc un kaya cguro ganun
ahok. ok na sya now? anong hospital? lalabas palang baby ko bukas. 7th day na. nageestimate ako.magkano abutin. nicu dn sha
ang alam ko mas mura sa lying in. sa private ako nanganak and nasa 42k bill namin,less mo ung philhealth, 35k nalang binayaran namin. 20k dun ung napunta sa professional fee ng nagpaanak. so the rest went sa roon and mga nagamit sa hospital. as for the lying in, may friend ako na wala ngang 10k ginastos e. may philhealth pa sya so nabawasan pa ung babayaran nya. pwede ka naman pong magtanong sa OB mo if magkano PF kung sya magpapaanak sau. then ask ka sa lying in. huwag mahihiyang magtanong. nagtnong lang din ako e.
ask your ob. depende yan sa hospital at type of delivery. mas mahal syempre kapag cs halos double. ang philhealth kse mga around 15k lang for both you and baby. ang pf ng doctors (ob, anes, pedia) iba iba rin ang rate. mas maganda magtanong kna. coz mahirap mabulaga sa gastos. ako lumipat ako ng ob kahit 24weeks nako kse naghanap ako ng ob and hospital na makakabigay ng package na mura. remember, mas malaki gastos after the delivery kase marami vaccines at mga needs si baby like diapers and milk.
Ang plano namin ni hubby ay sa Lying in ako if normal birth (ako nagsuggest na wag na mag hospital pag normal naman). Mura kasi dun 1500 lang with philhealth yung normal na uncomplicated birth. Tita Dolly's Lying in Clinic Dasmariñas balak ko. Pag CS naman sa hospital ako somewhere sa Mendez na private hospital budget is 30k all in. May pera naman kami pero ako mismo nagsabi na wag pakagastusan panganganak ko dahil mas gusto ko na kay baby gastusin.
kulang kulang 70k po kasi na admit din si baby at cs ako 3 doctor ang binayaran sa pf nila pero may discount (philhealth)na kasama gamot at may take home medicine pa na binigay di katulad sa iba na walang binibigay .sa hospital din nila ginawag ung philhealth ko kasi goverment hospital siya at after 1 month may reinversment mami wag ka muna bili ng madaming gamit ni baby kasi mabilis sila lumaki ung sakto lang bilhin mo lalo na pag BF ka lolobo si baby
ako po sis, cs ako pro wla n ko binayaran s bill ng hospital kc my philhealth ako.. ang total bill nmn umbot ng 18033 pro shoulder lht ni p.health tas ngpanewborn screening p q 1550 dn un pro wla prn bnyaran kc ksma sya s p.health q.. ang ginastos lng nmn s hospital ung mga gamit at gmot n wla s loob ng hospital ung mga bbilhin mo s labas ng hospital, umbot dn un ng 3500. bali yan lng ngastos nmn pro my handa kming 10k nun kya my sobra pa.
Saang hospital ka po nanganak?
Ako po sa lying-in 2,500. May philhealth din po ako. Kaya naging 2,500 kasi nagdown kami for hearing test pero ni-refund yun after ng hearing test (to assure lang na ibabalik sa clinic yung baby kasi importante din daw yung hearing test) so bale 1k lang talaga binayaran namin kasi marami akong nagamit na adult diaper, dun na din kami bumili ng noodles, vitamins tsaka yung bcg, hepa B ni baby 😊
Momma Saurus