Budget sa panganganak
Hi mga mamsh. Ask ko lang sa mga naka experience na manganak, how much po ba budget need na e prepare for normal delivery or CS? Private hospital po. Thank you
(70-150k)unang una mamsh ay taga saan po kayo kasi ibat-iba kasi ang price ng nsd and cs depende sa ospital and place...dapat ready din philhealth mo kasi napakalaki ang mababawas pag updated ang pagbabayad mo... then wag mo hihigpitan budget mo na pang nsd ka lang kasi pano kung sa time ng delivery magkaroon ng mga complications(pano lang naman) and wag mag alinlangan sa pera kung buhay ang kapalit... kikitain pa ang pera... then dapat ok ang sss mo para after manganak may makukuha ka benefits ... 😊
Magbasa paNagbudget kami ng 150k for Sched CS sobra pa yan kasi may less pa ang philhealth.. Medyo pricey ngayon dahil sa pandemic. But unexpectedly naconfine si baby ko 1week sa nicu dahil nagkaron ng sepsis.. Naka 250k kami overall kaya kung ako sayo mi kahit ayaw man natin mangyari dapat mas sosobra pa sa pambudget natin sa CS ang pwede natin ihanda just incase lang at hindi masaid ang budget mo
Magbasa pa275k naging bill ko, bawas na dyan ung sa Philhealth benefits ko. Hospital is The Medical City. From NSD naging emergency CS tapos na-NICU si baby ko dahil nag consider ng sepsis. Dapat talaga may extra ka na itatabi tlaga bukod dun sa package na binigay kasi madami pwede mangyari na unexpected.
Usually pag CS dapat magready ka 100k. Eto package ng St Lukes NSD package is 70k CS is 89k - without prof fee. Packages with prof fee would range between P90k-P100k, room not private. These rates are for low risk pregnancy. If you're high risk, mas mahal.
Magbasa paDepends po sa package ng hospital kaya ask your OB. Like sa OB ko po, yung hospital na nagkiclinic sya 100k ang normal. So sinabihan nya ko na may option naman sa kabilang hospital manganak where she do deliveries na 75k lang.
Nanganak ako sa Our Lady of Lourdes sa Manila and we spent 150k plus. NSD. Nagstay kami ng 1 week sa ospital kasi pumutok na panubigan ko hindi pa lumabas si baby kaya minonitor siya for sepsis at nagantibiotic for 1 week.
Dun po sa PDH, 50-60k normal at 60-80k po ang CS.. wala pa pong proffessional fee ng doctor..kakapanganak ko lang po last week. CS po. Inabot kami ng 150k less na po philhealth n 19k..kasama na ang 2 days ni baby sa NICU.
Ung package ng hospital sa OB ko 65k-75k normal uncomplicated delivery. 80k-100k uncomplicated CS. All in na yan with Philhealth. Wag lang magkaroon ng complications. 2-3 days sa room. Skyline Hospital and Medical Center.
Last april lang ako naCS mamsh Our lady of Lourdes Daet, 130k sakin and 9k kay baby less na philhealth dun. semi private room for 3days.
Sakin po, pinag Ready ako ng OB ko, 40K-55K Normal Delivery then pag CS, 80K-95K. Private Hospital po. Sa July pa po ako Manganak💙