Gamit ni Baby!
Hi mga mommy! Help naman po ano mga pwedeng bilhin na gamit ni Baby. First Time mum here ♥️♥️♥️
Ako po eto list ng mga binili ko, FTM rin po ako: 1. Damit ni baby, wag masyado marami and okay if may 0-3 or 3-6 months kasi you'll never know if malaki si baby or hindi. 2. Newborn na diapers 3. Receiving blanket 4. Cottonballs 5. Feeding bottles, in case di ma-room in agad si baby and di mapa-latch sayo. 6. Lampin 7. Swaddle 8. Wet wipes Yan lang din ung nilagay ko sa baby bag nung nanganak ako. 9. Paliguan ni baby, if may extra budget 10. Towel pag naliligo 11. Baby laundry detergent (sensitive skin ni baby so pag masyado matapang sabon, pwede sila magka rashes) 12. Bottle dishwashing soap 13. Carrier/car seat, if may extra budget 14. Rubber mat, para pag need mag change ni baby ng diapers :) 15. Bath soap ni baby (personally, im using cetaphil kasi mild lang sya) 16. Comforter set 17. Mittens, kasi mahaba kuko ni baby and baka makalmot ang mukha 18. Socks
Magbasa pa