PRIVACY

Hello mga mommy, gusto ko lang po sana magvent sa inyo at hingiin nrin ang mga insights nyo. Im 29weeks pregnant. Unang nakaalam ang hubby ko. Then si OB. Then workmates ko kasi syempre araw araw nila Akong nakikita. Ang nanay ko. Ang nanay ng hubby ko, then tatay ng hubby ko and kapatid. Ilang bff ko. Para po sa akin sila lang yung gusto kong makaalam kasi sila lang naman yung mga gusto kong makaalam. Gusto lang po sana namin ng privacy. Unang una po, sa mga kamag anak, alam naman po sguro nating lahat na madaming nasasabi ang mga kamag anak, maganda man o pangit. Anw po, im 24y/o na po pala and hubby is 25y/o, we are both licensed professionals and may maayos na work naman po, sapat lang, di hirap, di rin nakakaangat. Frustration ko po kasi yung natatanong kung buntis ba ako. Para po kasi sakin wala akong keber magpaliwanag, kasi di naman kailangan. Nakakainis po kasi yung mga taong chnichika ka lang, chnichismis ka lang, pero wala namang pakialam sa buhay mo. Kumbaga anjan lang pag may ichichimis. Kaya po gusto ko po sana ng privacy. Di naman po namin tnatago, kumbaga nag iingat lang kami sa mga unsolicited opinions masasakit sa salita, lalo na sa side ni hubby. Lahat ng sasbhn nakakaoffend. Like marami naba kaming pera para mag anak, blah blah blah nakakarindi. Mali po ba ako mga mommy :( share nyo naman po sa akin ang mga experience nyo

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Valid lang po yang nararamdaman lalo na sa mga tulad natin na we value our privacy that much. Same lang po sakin, may ka officemate ako na ganyan, kahit hindi ko naman close yung tao bigla nyang sasabihin sya (referring to me) po buntis / preggy. In my mind bakit nya kelangan sabihin yun eh hindi ko naman inaannounce sa buong mundo na preggy ako. I rarely post on social media din and sya bigla nya lang ibblurt out, out of nowhere. Kakastress lang din. And dahil maaga ako nag leave sa work due to high risk pregnancy, for sure alam na ng mga clients ko na preggy ako. Btw, sales po work namin. Never ako nag open up sa mga clients ko ng personal matter kasi for me, business is business. For now, hayaan mo na lang po at wag na po kayo masyadong mag isip. Masstress lang po kayo. 😊

Magbasa pa
5y ago

Tru mga pakialamera e, yung kapitbahay ko sis pnuntahan ako sa bahay kunware magbibigay ng turon yun pala mangchichika lang BUNTIS KA PALA??? Grabe yung qiqil ko sis, walang magawa tong mga to jusko

Keri lang yan!!!! Ako nga shutdown ko lahat ng social media accounts ko muna.. IG lang tinira ko 😊 I'm married .. nalaman lang ng both family namin is 8mos na 🤣 kasi papa check up lang ako but unfortunately na emergency cs ako.. so ayun. Surprised sila lahat sa hospital 😊 3 mos na si LO ko ngayon and deactivated pa rin mga accounts ko.. si hubby ko naman is di rin active sa socmeds na yan.. kaya less stress talaga kami sa mga taong chikachika lang 😉 Yung ppm lang dahil nalaman na preggy ka.. na di naman nila ginagawa noong dadalagahin ka pa. Hahahahaha Dedma na sa kanila sis! Feel na feel kita! Kasi ako kahit mga relatives daming say! Sa ginawang pag iwas sa kanila feeling ko alam na nila that I want them to stay out of my business wahahahaha 🤣

Magbasa pa
5y ago

Tru mamsh magppm lang dhl preggy ka mga chismosa jusko naghahanap lang ng ichichismis

Defense mechanism mo lang yan kasi you got pregnant na wala sa plano and hindi pa kasal kaya ang subconscious mind mo nag bibigay ng signal na ayaw mo ng comments or what kasi you are afraid to be judged. Shrug it off sis... di mo ma s-stop lumaki tyan mo and you can't stop people from spitting their opinion on you. Kasi yun na ang norm and I know for sure wala tayong enough time to really make a campaigne against it. Tanggapin mo nalang sa sarili mo na may masasabi talaga ang mga tao. And tama ka, you don't have to explain things to them pero yun nga... you can't stop them from doing it. Two options lang yan, ignore them or magpaka stress ka sa pagka rindi sa kanila :)

Magbasa pa

OKAY LANG YAN MOMSH (capslock kasi may mga dinadaan ka sa negative dito sa comments). Wag ka mag-alala pareho tayo. Till now, di kami nag-oout as in, out in a big circle. More on family and friends lang then iwas din sa side ng husband ko kasi medyo mga krungkrung pa mag-isip. Ayaw naman natin ng stress diba 😊 nag iiwas kami because nakatikim kami slight last month. Pinuntirya na ganito dapat, ganyan. It's too much kasi we all have our different ways to cope with our pregnancy kaya kebers lang. Okay lang yan 😊 they should respect your decision since yan ang tingin mong makakabuti sayo.

Magbasa pa
5y ago

YES. Kinokontra din nila ang sinasabi ng ob ko minsan kaya narindi na ako. Like need akong bedrest lang na tatayo lang pag wiwiwi and uupo lang kapag kakain since maselan magbuntis pero sasabihin maglakad lakad man lang daw ako. Kapag naman naglakad lakad ako biglang wag daw ako gagalaw kasi makukunan ako at pinapabayaan ko sarili ko. Like whattttt ano ba talaga lol kaya ignore them na lang. 😅

Yasss ghurl.... yaaaassss !!! Go for the privacy. 2020 na its time to cut ties with toxic people isa pa u dont need to explain ur side to anyone. I support that idea. Lalo na naranasan ko na kung pano mastress sa relatives na ganyan. My health becomes poor after and until now suffering from anxiety so pls do whatever u want with ur life in this motherhood stage. Own it. Mag anonymous ako ha they might find me here venting out too 😂 kiber ba sa mga pakielamerang tao wala nmn ambag

Magbasa pa

Ang pagbubuntis sis Di po talaga maitago yan. Kung may mag tanong man, sagutin mo nalang ng maayos. Para respito na rin. Kung may sasabihin man sila behind your back, then let it be. Opinyon nila yon at wag mong intindihin. Ang mahalaga okay kayo ni baby at ng Asawa mo. Wag mo E stress ang sarili mo. Kahit anong privacy ang gusto naten may mga tao pa rin talaga mag hanap ng way para pag usapan ka kahit wala ka namang ginagawa na masama sa kanila. Ipapasa dyos mo nalang.

Magbasa pa
5y ago

Wellsaid... yaan mo nlng kung may mga side comments na d mgnda, importante okay kayo ng husband mo at always happy ka sis pra healthy c baby mo..

Ganyan din ako. Immediate family lang ang may alam. Nagugulat na lang ung iba may anak na ako. Bakit daw di nila nakikita sa FB. Sagot ko, di ko ugaling gawing diary ang fb. Di lahat ng kilos namin eh andun. Di ko din obligasyon na ipaalam sa lahat ang nangyayari sa buhay ko. Kanya kanya naman tayo, ako preferred ko din na lowkey. Walang pt at sonogram pic ang naupload ko sa social media ever since. 2 na anak namin.

Magbasa pa

Okay lang po yan ako din nung buntis ako konti lang nakakaalam kahit yung mga pinsan ko hindi din nila alam tsaka yung ibang kamaganak ko nagulat na lang sila nanganak na ako and ninong and ninang pa sila ng anak ko 😊 nagsasabe sila sa akin hindi ko alam nabuntis ka nagulat ako nanganak ka na lang. Iniingatan ko lang din yung sarili ko tsaka ung stress masstress ka lang kapag nakarinig ka ng hindi magagandang salita

Magbasa pa

Siguro po iwas po muna kayo sa knila lalo na at ikinakastress ninyo yung mga opinions nila. Buhay niyo naman po yun at choice niyo yung privacy ng pagbubuntis niyo. Don't mind them lalo na kung di naman sila nakakatulong. Minsan po talaga may mga kamag anak tayong ambag lang ay mga panlalait at masasakit na salita. Hehe. Pero don't be suplada din incase may maencounter kayong ganon na kamag anak.

Magbasa pa

Ako ang nakakaalam lang, asawa ko, OB ko, nanay at tatay ko, in-laws ko sa Switzerland, mga kapatid ko, tita ko at boss ng hubby ko. Di konrin gusto na binobroadcast ang mga ganito bagay baka mausog pa, lalo na may mga kamag anak akong mejo ano.. sabihin nating mapanlait? hahaha