PRIVACY

Hello mga mommy, gusto ko lang po sana magvent sa inyo at hingiin nrin ang mga insights nyo. Im 29weeks pregnant. Unang nakaalam ang hubby ko. Then si OB. Then workmates ko kasi syempre araw araw nila Akong nakikita. Ang nanay ko. Ang nanay ng hubby ko, then tatay ng hubby ko and kapatid. Ilang bff ko. Para po sa akin sila lang yung gusto kong makaalam kasi sila lang naman yung mga gusto kong makaalam. Gusto lang po sana namin ng privacy. Unang una po, sa mga kamag anak, alam naman po sguro nating lahat na madaming nasasabi ang mga kamag anak, maganda man o pangit. Anw po, im 24y/o na po pala and hubby is 25y/o, we are both licensed professionals and may maayos na work naman po, sapat lang, di hirap, di rin nakakaangat. Frustration ko po kasi yung natatanong kung buntis ba ako. Para po kasi sakin wala akong keber magpaliwanag, kasi di naman kailangan. Nakakainis po kasi yung mga taong chnichika ka lang, chnichismis ka lang, pero wala namang pakialam sa buhay mo. Kumbaga anjan lang pag may ichichimis. Kaya po gusto ko po sana ng privacy. Di naman po namin tnatago, kumbaga nag iingat lang kami sa mga unsolicited opinions masasakit sa salita, lalo na sa side ni hubby. Lahat ng sasbhn nakakaoffend. Like marami naba kaming pera para mag anak, blah blah blah nakakarindi. Mali po ba ako mga mommy :( share nyo naman po sa akin ang mga experience nyo

19 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Ganyan na ganyan din po ako nung buntis ako. And mas may maipapamukha nga kayo kaysa saamin. Kasi ako po 23 lang po. Tapos wala pa work kakagraduate ko lang. same with my boyfriend po. Tama naman po kayo eh, di naman sa tinatago, pero "lowkey" lang kumbaga. Iwas chismis etc. ☺️

Same sis, 24 years old lang din ako unang nakaalam lang kami ng partner ko, next family namin, tapos 4months yung pinaka close friends ko na. Kung sino lang yung malalapit talaga sakin na tao. Ayoko kasi sa chismis lalo na pag buntis maramdamin pa naman. Mas less stress nadin.

VIP Member

Hindi naman mali yang ginagawa mo. Kahit ako nung buntis ako nakakaalam lang malalapit talaga sakin. Pero kasi sa modern world, di mo maiiwasan na magpost ng status mo kaya parang buong mundo na din nakakaalam...hehehe😊

marami talaga ganyan momsh yaan mo lang sila. smile lang and then move on wag kang mag pa stress sa kanila. hindi natin mako control yung behaviour ng ibang tao just practice the art of ignoring and tolerance

Just don't mind what people will say. Enjoy mo lang sis para iwas stress ☺️ you can't control their minds as well as their mouth. As long as wala ka ginagawang masama sa knila, at masaya kayo.

Nung nagbuntis ako ang nakakaalam lang si hubby, family nya and family ko pati workmates ko. Nung nanganak na ko saka lang ako nagpost. Hahaha. Gulat mga kakilala ko eh 😂

Stress lang po ang makukuha niyo sa kanila,wag nalang po intindihin dahil wala naman sila iaambag sa buhay niyo..ang mahalaga maayos kayong mag asawa.

Ganyan din kami yung mga need lang makaalam ang pinagsabihan namin. Ayaw din kasi niya ng unsolicited comments dami kasing nagmamagaking hahaha.

Sis, let go of things you cannot control. Keber ka lang and focus on your mental health. ❤️ Di mo need validation ng ibang tao.