Conflict
Hi mga mommies! Kailangan ko lang ng advice. Foreigner po kasi ang hubby ko. Dito kami sa Pilipinas nag decide na tumira, malapit ang bahay namin sa bahay ng ilang kamag anak. May baby kami na 3 months. May uncle kasi ako na hindi pala bati, kaming mga kamag anak sanay na, pero si hubby hindi sanay. Nung buntis pa ako wala namang pakialam si hubby kung bumati man si uncle o hindi. Pero ngayon na may baby na medyo nababadtrip si hubby dahil si uncle hindi siya babatiin (kahit simpleng tango wala), pero kapag nagkikitakita kami, didiretso na si uncle sa baby namin at kakargahin na. Ano bang dapat kong gawin o sabihin kay hubby? Naiintindihan ko naman kung bakit siya nababadtrip, pero ang hirap lang kasing magsabi sa uncle ko at baka pagsimulan pa ng gulo. Salamat po sa mga sasagot!