Lagi nagsusuka at naglalaway

Hi mga mommy! First time pregnancy po ako and hirap na hirap na talaga ako. 8 weeks pa lang ako lahat ng kinakain ko sinusuka ko at sobra na yung pagsasakit ng ulo at tyan ko. Wala naman akong spotting pero grabe na talaga umiiyak na lang ako sa hirap. May tips po ba kayo dyan para mabawasan naman itong pagsusuka ko? Salamat mga mommy!

14 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan din po ako nung first trimester and nalaman kong meron akong Hyperemesis Gravidarum or extreme morning sickness. Kahit tubig di ko mainom malamig man o maligamgam. Kahit anong kainin sinusuka. Ilang beses ako naconfine dahil sa dehydration. I suggest pag gising mo eat ka biscuits like skyflakes ganon. Tapos kahit di kaya mag intake ng water pilitin mo para sa inyo ni baby. Ako noon halos ginawa kong tubig ang fresh buko juice dahil yun ang tinatanggap ng sikmura ko. Pero pinipilit ko pa rin mag tubig with oral salts. Tapos eat small meals. Kapa kapa po talaga. Kung anong kaya mo kainin, ayun ang kainin mo. Mahalaga po na lamanan ang sikmura para di ka matulad sakin na nakadkad yung sikmura ko may bahid na ng dugo yung suka ko kasi i refused to eat dahil nga sinusuka ko rin. Makakatulong din ang mag ngata ng yelo para di ka madehydrate. Small frequent meals lang. Nauumay rin ako sa laway ko noon kaya di ko nilulunok panay dura ako. Lagi ako may katabi arinola sa pagsusuka at para sa pag dura🤣 May mga gamot na binigay sakin para sa pagsusuka etc pero sana wag ka na umabot sa ganon makati sa bulsa and di talaga nakakatuwa hahah. Tiis tiis lang mommy kung kaya makakaraos ka din after ilang months. Pero always consult your OB po ha para sigurado na safe. Have a safe and healthy pregnancy!😊💚

Magbasa pa

ganyan din ako mamsh... 14weeks ako ngayon...medyo nakakain na.. sabi nang midwife crakers at yelo dw,, pero di prin ma take lalo na ung yelo,kinakabag ako..mawawala din yan.. pgdating nang 4-5mos..mas malala ako nuon sa 1st baby ko,tlagang naka bedrest ako,pero nwala din pagdating ng 4mos..

VIP Member

Mamshie try mo gawin candy ung yelo lalo na pag nakakaramdam ka nang pag susuka😊 and menthol na candy like snowbear yan mga ginagawa ako before nung 1st trimester ko and naka help naman sakin. Pero kung talagang hirap na u consult sa OB na po kesa ma dehydrate ka po kaka suka😔😞

Ask your ob kasi ako reseta yung ob ko para sa pagsusuka at pagkahilo ko nung first trimester ko super effective naman po kaya hnd ako masyadong nahirapan talaga nung nalaman ko na buntis na pala ako kz binigyan ako ni ob ng reseta sa hilo at suka

May gamot na binigay sakin yung OB ko momshie para sa suka. Pero kung kaya tiisin, tiis tiis lang talaga momshie. Nakakaiyak pero makakaraos ka din after first trimester. Ako ganyan hanggang 16 weeks after non kain na ko ng kain 🤗

try mo magtanung s ob mo pra bigyan k ng gamot pra s pagsusuka at vitamins pampagana kumaen ganyan din ako sis ngaun mejo ok n nkakaen n ko kahit konti wag k lng magpapakabusog ng husto pra di ka masuka..

ako naman nag lalaway na dko ma gets nauumay na ewan ko ba hahaa. minsan ayuko ng ulam mas gusto ko sabaw lang sa kanin kasi pag nkikita ko na uumay ako nag lalaway na bumabaliktad sikmura ko na ang hirap. 😂

Ganyan na ganyan ako nung 1-3 months ako jusq naaawa nalang saken asawa ko kasi umiiyak ako sa sobrang hirap pero ngayon ok naman na ako turning 5months na e. Congrats saten hehe😇

VIP Member

kain ka maaasim, try mo din po mga wheat bread. ganyan din ako nung nag 8 weeks. isang buwan akong hindi halos makakain kaya ang laki ng ipinayat ko

VIP Member

pag ka gising sa umaga kain k po muna crackers. para ma neutralize ung pangangasim ng sikmura