Maternity benefits!!
Mga mommy bakit ganito galing akung sss kanina then nag filled up ako ng MATERNITY NOTIFICATION tapos pinakita ko yung ultrasound ko tapos nag type siya sa computer pagkatapos tinatakan niya yung papel na pinilupan ko tapos sabi sakin balik daw ako sa pagkaanak ko! Anung ibig sabhin nun mga mommy OKEY nayun naka file na sa kanila yun or hindi pa?
Ganyan din po sa kin. After mastamped yung mat1 form ko, pinababalik na lang ako after manganak for the process ng mat2 with the other reqs. Sa online apps naman, applicable lang yung maternity notifications for voluntary/ self-employed members.
Nafile na un sis.. dble magpafile ka ng MAT2 pagkapanganak mo dala mo birth cert ng baby mo mag oopen ka bank acct se dun nila idedep ung SSS ben mo, maghihintay kalang ng 3wks til 1month after mo magfile ng MAT2.
ganun po tlga yun ngfile din aq at sa panganganak dun ka babalik na dala lhat ng req. pati birthcertificate ng bata..binibigay nmn yung mga req. na galing sa sss po.
Yes. MAT 2 naman after mo manganak, kasi may mga list of requirements din un like hospital records, birth certificate etc. na makukuha mo lang talaga pag nakapanganak ka na.
Ok na po. Babalik ka after manganak kasi need mong mag file ng MAT2. May mga requirements po yan. Then wait mo na lang yung pera na idedeposit sa personal account mo
Meron Napo Yun need kase Ng birth certificate n BBY para maclaim nio . Pero if employed Po kayu pede Naman Po bgyan kayo Ng mat1 at mat2 dipendde sa company .
Notification lang po yung finile mo. Sss if voluntary or employed ay reimbursement lang talaga. Kaya lang if employed ka si company na mag advance magbigay.
Yes ok na yun sis balik ka na Lang after manganak dala muna yung birth certificate ni baby para sa mat 2 na yun waiting na Lang s claim ng maternity Mo,
oky na un momsh. kuha ka nlng ng mat2 form and requirements for reimbursement. ipasa mo yung mat2 and req. after mo manganak pg complete na.
Okay na yon sis. Mat2 na next mo. Un nga Yun pagka panganak mo.. pero ako kase bumalik para magpa verify para Shure na okay na tlga
Excited to become a mum