Breast Milk

Hi mga mommy. Ask ko lang po kasi 3 days old palang si baby. pinapabreast feed ko sya pero wala akong breast milk na visible for 3 days narin. anong maaddvise nyo sakin,nagpapanic na kasi ako na baka wala naman syang nadedede. plgi kasi siya irritable. ano pong maipapayo nyo sakin? Thank you mga mamsh. wala pa kasing response ang pedia.

25 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kung may output po si baby ng ihi/pupu, means may nakukuha po sya sa inyo mommy. Nail tip level lang ng pinky finger nyo kailangan nila kasi maliit pa po bituka nyan. Not all the time gutom si baby pag umiiyak, crying is their means of communication. 9mos yan sa ating loob, nako-comfort and nami-meet agad ang needs nila kaya nag aadjust pa yan sa new environment nya.. Ako mommy, 4th day pa naging visible milk ko na tumutulo agad, sobrang overwhelmed ko kasi akala ko din wala. May iba umaabot ng 5 days. Tyaga lang talaga sa pagpapasuso lagi. Laway lang ni baby po kasi makapag stimulate ng gatas nyu po :)

Magbasa pa