Labor Pain

Hello mga mommies! Malapit lapit na po akong manganak. Tanong ko lang po if anong feeling ng Labor Pain? Saan banda nag uumpisa? Pelvic? Buong tyan? Lower abdomen? Sa likod? Share your experience mommies, para makapaghanda ako huhuh Excited na kinakabahan FTM here. ๐Ÿฅฐ

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

sa una mii tolerable pa ung contractions, ramdam mo na kaya mo, pero pag labor na tlaga e d mo alam kung san masakit, para kang may dysmenorrhea na natatae na di mo mawari, d kna makangiti sa sakit..

2mo ago

Ako nag labor ako first baby - 2hrs Second baby - almost 7hrs 3rd baby - 3hrs

sakin, nagstart as feeling na nadudumi na hindi nawawala. then persistent contractions.

2mo ago

sa experience ko, nagstart ang pagdumi ko at 1am, nagising pako dahil dun. then, mayat maya ang punta ko na sa CR hanggang sa wala nakong mailabas. at 5am, ginising ko na si hubby, sabi ko manganganak nako. i dont know pero i know na naglalabor nako. so i started maglakad-lakad sa bahay. at 9am, pumunta na kaming hospital. i kept on walking habang ang contractions ko ay palapit ng palapit ang interval at pasakit ng pasakit. nung hindi ko na kaya ang sakit, hiniga na nila ako to give birth. si OB pa ang nagputok ng panubigan ko. so sa 2nd baby ko, ganung din ang labor sign kaya i informed my OB. the next day, i gave birth.