39 Replies

VIP Member

Di po naka-depend sa size ng boobies yung milk supply. May mga blessed sa size pero mababa yung supply and vice versa. Yung supply po natin will depend sa law of supply and demand. Meaning, mas dadami po yung supply natin if madalas na naddrain yung boobies natin since everytime na naddrain yung boobies natin, magsesend yan sa brain natin na need pa natin magproduce ng milk. So wag mag worry if flat chested dahil ganyan din ako mii pero madami parin po akong milk 🥰 And to increase your supply: 1. Unli latch si baby or pump every after feedings para madrain talaga boobies 2. Stay hydrated 3. Iwas stress (ang laking effect ng stress sa supply natin) 4. Aside from malunggay capsule, you can try natalac, M2 drink (meron sa online and andoks), masabaw na ulam, and milo. Hope this helps 🥰

if manganganak ka palang normal lang na wala pa gatas talaga ..after manganak usually saka pa nagkakagatas..saka hindi yan sa laki ng breasts.. parepareho lang functions ng mammary glands natin.. nasa nanay nalang yan kung may DEDEcation talaga magpadede kay baby.. Law of supply and demand.. the more na magpapalatch the more na magpproduce ng milk.. kung Ilan ounce ang ibibigay na formula milk. ganon din ang ounce na mawawala sa breastmilk ... kaya unlilatch lang talaga , keep yourself hydrated at pwede din tulungan ng mga pagkain nakakapagpagatas like malunggay.. 8months na baby ko pero binibilhan pa rin ako ni hubby m2 malunggay, mother nurture coffee..

@Anonymous kung pro Formula ka walang problema .. pinili mo yan bilang nanay.. nasasayo yan kaw may alam ano ang Tama sa anak mo.. Pero kaming pro Breastfeeding wag mo din Sabihan na toxic kung nag encourage ng ibang nanay na gusto sana mag breastfeeding . hindi toxic response yan gurl. Negative ka lang mag isip... God bless you

Hindi base ang breastmilk sa laki ng breast. Sa case ko maliit lang breast ko, close to being flat 😂 Pregnant ka pa lang ba? If so, ok lang yan kung wala pa, pag nanganak ka and na suck na ni baby ung breast mo, kusa lalabas gatas mo. If wala ma suck, pa massage mo sa nurse and dont panic kasi sa iba it takes 3-5 days bago lumabas gatas nila. If nakapanganak ka na, unli latch mo lang. Magugulat ka nalang natulo at naninigas na breast mo. Sali ka din sa mga breastfeeding groups sa FB, dami ka mapupulot na tips 🥰 btw 3mos pp na ko. Unli-latch lang si baby. Walang iniinom na supplement pero panabay gatas ko.

Nung nanganak ako wala tlaga ako gatas mi, umabot sa point na nakiusap ako sa nurse qng pwede padedehin ko ung anak ko sa ibang nanay since mahigpit tlaga ang public hospital sa breastfeeding, ndi pumayag ang nurse dahil qng may sakit ang nanay na pagdededehan ng anak ko my tendency na mahawa sya, kaya tyinaga ko sa ospital na i massage ung bobbies ko, then take ng malunggay, sa awa ng diyos nagka gatas ako habang tumatagal lumalakas ung gatas ko, tyagaan lang mi samahan mo ng prayers at masustansyang pagkain magkakagatas ka din para kay LO

TapFluencer

Hi mamsh wala po sa laki o liit ng hinaharap yang golden milk ng mga mommies, dahil meron po ako kakilala di naman din malaki yunh kanya pero 3yo na anak nya ang dae pa din ng gatas nya. Healthy life style sya, laging umiinom at kumakain ng mga vegies and fruits. Pwede mo po i twice every inom ng malunggay capsule bali 6x a day. Kusa naman po kayo mag kakagatas pag lumabas na si baby. Wala pa po talagang gatas if buntis ka pa. Pero pag labas nyan mag start na po yung katawan mo mag supply ng milk sa dede. Drink a lot of water and eat healthy

try mo hot compress then sabayan mo pump, try mo din uminom ng chocolate drinks or pure cocoa. hehe 1 mnth din bago ko nag milk nag try din ng mga capsul like malugay at pure malunggay na nilaga, pero mas nag boost nung nag choco drink ako hot compress then pump. flat chested din ako bsta make sure i pa latch kay baby. sobra na lakas ng milk ko now halos talsik na sa face namin both ni baby 🤭 prayers din, halos gabi gabi pa ko umiiyak noon 🤭 going 3mons na si baby at may 15stocks frozen bfmilk pa.

TapFluencer

Ay Sis, wala po sa laki ng suso yan, akorin nmandi biniyayaan ng malaking suso peto ang daming gatas noong nanganak ako sa 1st ko, lumabas yun kusanu g lumabas ba si baby. kung di ka pa nanganganak, di pa naman po yan lalabas. Suggest ko na wag ka pakastress kapipilut sa milk mo na lumabas, kasi stress ang isa sa mga causes ng mahinang gatas.. pag nanganak ka kusang magttrigger sa utak na magrelease ng milk, and latch latch lang pag andyan na si baby mo. demand and supply po. Godbless.

mi maliit din hinaharap ko 🤣 pero wala akong choice nung nanganak ako sa hospital bawal kasi formula bf lang dapat talaga ang sabi ng doctor sakin ipasubo mo palage sa baby yung dede po para masipsip niya akala lang daw natin wala silang nKukuha pero meron daw po yun kasi si baby lang daw yan makapgpalabas ng gatas natin at totoo namN talaga hindi ko sinukuan si baby kahit hirap din ako sa awa ng Lord bf siya ngayon malakas na gatas ko po. sa una lang talaga pero tiyaga lang

During birth kase wala nman talagang liquid na gatas, kasi Colostrum pa yan during 1-3 days , yung ang madede ng baby mo which is yellow and thick. 1.4 tsp pa yung need ng baby mo. Colostrum yun ang pinaka masustansya madaming benefits na makukuha ng baby mo. After 3 days jan pa lumalabas ang liquid na milk talaga. Kung gano kadami kinukuha na gatas ng baby mo, ganon din ang isusupply ng body mo. Walang kinalaman ang laki ng hinaharap mo jan😁

meron na yan myy sabi ng mga doctor minsan akala ntin wala tayong gatas pero may nalalatch na si baby padede mo.lang ng padede kasi nung nanganak ako kala ko rin wala akong gatas walang tumutulo or kahit anong sign pag pinisil pero bigla nalang sumakit yung dede ko sabi sa hospital puno daw ng gatas kaya ganun. ayun kala ko lang walang madede si baby marami naman palang gatas

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles