Paano ang pag push
Hello mga mommies FTM here na malapit na manganak! Paano po ang pag push? Like tatae ba ganon? Sa pw$t? Tips po huhu Thank you!

una magdasal ka. makinig sa magpapaanak. hwag pabebe umire 😄 kapag iire nakatikom ang bibig. the more na maingay the more na mauubos ang energy. kapag nagcontract saka lang iire para di mapagod. kung kabuwanan na better ang morning walk pero hwag sobrang pagudin ang sarili dahil ikaw ang mag iire. habang nag lalabor inom ka ng gatorade at kain ka ng sweets kung di ka diabetic nakakatulong yun pang dagdag energy. lakasan lang ang loob galingan ang pag ire kawawa ang baby kapag naipit ang ulo 🥲
Magbasa paYes parang natatae lang mi, pero sa pwerta mo iire. And dapat walang ingay yung pag ire mi, wag ka sisigaw para naiire mo ng maayos. Tapos habaan mo nag pag ire. FTM rin ako nung nanganak ako last year, mabilis ko lang nailabas si baby.
mas better po na pakiramdaman mo body mo... kasi mas alam ng body mo kailan iire para less painful at maiwasan ang punit. kasi pag pinilit mo iire (like pag nagpoops ka at constipated) mapupunitan ka at mas masakit.
Antayin mo ang hilab saka mag ppush na parang nappoops ng sobrang tigas, pag walang hilab pahinga, at hinga hinga sa bibig. Sasabhn nman ng midwife at tuturuan ka nila, makinig klang di ka mapupunitan.