pinaiyak ko si byenan OMG help huhu

Hi mga mommies/daddies. Nanood kasi kami "no other woman" sa house and dun sa scene na nagsasabunutan si cristine reyes at anne curtis, napasabi ako na "naku dapat hnd lang ganyan ginagawa sa kabit, dapat kinakalbo sa sabunot, pinapasaan sa buong katawan, etc." Nadala ako sa eksena, andami kong nasabi. Tumakbo papasok ng kwarto si byenan at umiiyak. Nawala sa isip ko na second fam nga pala sila hubby ko dahil naging mistress si byenan. Advice naman kung ano dapat ko gawin. Sb kasi ng ate nila hubby, wag ko muna lapitan or pansinin, palamigin ko daw muna. Kayo ano sa tingin nyo? Huhu heeelppp!!!

10 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Slamat po sa mga advice nyo. Kinabukasan ko pa inapproach si MIL after nung nangyari, nagsorry ako, na hnd ko naman intensyon na saktan sya or kahit paringgan lang. Nagsorry din sya, sb nya parehas lng kami nadala ng emosyon. Ang problema ko ngyon, hnd na katulad ng dati ung trato nya skn. Dati kasi nagkakausap pa kami, pero ngyon, pag may ipapasuyo na lang, iuutos ganon. Nakakalungkot lang. Sana magimprove pa tong situation namin. Maraming salamat po ulit s inyo ❤

Magbasa pa
6y ago

Okay lang yan moms medyo hidi pa po niya na oover come ying mga nangyari pero siympre magiging okay din po umit laht

Pretend na it never happened. I think more siyang madodown if nakita niya naawa ka sakanya. Ipakita mo sakanya through actions mo na di issue na ganon yung setup nila kasi mafefeel non baka ambaba ng tingin mo sakanya. Just be extra sweet to her and make her feel na she's like a mother talaga to you.

Magbasa pa

Kung close naman kayo ni MIL mo at walang awkwardness bago nangyari yan, lambingin mo na lang. Sabihin mo na di naman sya tinutukoy mo at nadala ka lang ng emosyon kasi bilang asawa ayaw mo magkaron ng karibal. 😅 siguro naman di ganon kakitid isip nya para di maintindihan yon.

Huhuhu. Naku nasaktan po talaga siya. Pero makikita naman niya ang pagiging genuine ng heart mo dahil nagsisisi ka naman ngayon sa mga nasabi mo. Kausapin mo siya na kayo lang. Mag heart to heart talk at maging sincere ka.

TapFluencer

Express u na lang po ung sincerity u ng pag apology thru action, like po a little sweet and caring ka sa mother n law u.... prepare a food anu po ba favorite nya?

VIP Member

Palamigin nyo po muna atsaka nyo po kausapin, say sorry sincerely mommy.

Ay.. buti d ka inaway ni byenan mo.. palipasin mo muna sama ng loob nya

VIP Member

Magsorry ko na lang po sabihin mo nadala ka lang sa movie.

VIP Member

mag sorry ka po kapag willing nxa makipag usap.

wg nyo po muba kausapin sa ngaun mommy cguro sa ibang araw yung medjo ok na sya pra maintindhan nyo po yung ippliwanag nyo..sa ngaun kc mbigat pa yung loob sau nun.