FOOD FOR BABY

Hello mga mommies! May tanong lang po ako, diba po bawal pakainin ang 4months old na baby? Yung biyenan at mr ko po kasi nagkakasundo kapag sinabi at sinubuan ng mama nya si baby hindi naman umaangal yung tatay. Hindi ko po magets bakit may mga ganung lalaki po ano? Una condensed milk 3mos palang ang baby ko then 4mos sya pinakain ng manok na nilaga tapos napainom na rin ng milktea kasi di daw alam na marunong humigop ang baby tapos inulit pa. Nkakapang init ng dugo lang e hindi invalidate lahat ng suggestions ko para sa baby ko ๐Ÿ˜“ ngayong 5mos na sya pinakain ba naman ng adong jusko po ano na ba dapat kung gawin masyadong uto uto mr ko kaya lagi kami nag aaway kasi feeling ko lagi naka depende sa ina kahit may sarili ng pamilya. (Hindi pala feeling kasi ganun talaga ngyayari) May same case ba dito mga mii? Masyadong nakaka high blood e tapos gusto pa nya paghiwalayin kami like WOW ๐Ÿ˜ณ amazing mother! Never ako sumagot sagot pero hindi ko mapapangako na hindi ko sya masasagot but in a nice way naman para hindi ko naman sya maging kaugali. Gusto sya lahat masusunod sa bawat desisyong mag asawa grabe talaga. Dito na ata ako mababaliw bakit hindi nlang sila maging mag asawa noh para goods๐Ÿ˜“๐Ÿคฃ ka stress! #advicepls #FTM

4 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

luh miee nang gigil naman ako sa byenan at asawa mu ๐Ÿ˜ค plss miee pag isipan mu mabuti kung makikisama kapa sa asawa at byenan mu kawawa si baby . ๐Ÿฅน bb ko nga sabi normal lang daw na magpoops ng sunod sunod nun eh para sakin bilang nanay hindi okay sakin yun kaya di ako nakiknig kahit nakikitira muna kame sa magulang ng asawa ko . kaya pacheck up ko na agad baby ko thanks God at di nadehydrate bb ko naagapan namin mag asawa . plss miee kawawa si baby ๐Ÿฅน wag mu hayaan na gawen nila yan mukang walang concern asawa at byenan mu sa anak mu.

Magbasa pa

hala.. naloka naman ako sa milk tea. pag nagkasakit yang anak mo kargo b ng byenan mo.. my gosh . sabihin mo yan sa asawa mo. nkakagigil.

hala bawal pa yaaaaan. grabe naman byenan mo. baka kung ano makuhang sakit ni bb kawawa naman.

2y ago

sila nga po sisisihin ko kapag may ngyari sa baby ko na di maganda. masyado pong pala desisyon hindi ko na alam gagawin ko. anong klaseng ina yung ganun e my anak din nman sya pero kung maka pakain ng kung ano ano sa baby ko wagas. baka gusto na nya mamatay para talagang maghiwalay na kami ng anak nya

bumukod na kayo mi. wawa lang bb mo baka magkasakit pa

2y ago

ayaw mii ni mr. hindi ko alam kung ano pinaka dahilan bakit ayaw nya magbukod kami. pinag aawayan namin yun topic na yun kaya tinigil ko na