Lose Weight while breastfeeding..

Hi mga mommies ❤️ Tanong ko lang sana kung paano kayo nagpapayat or kung anong mga ginawa niyo para pumayat kayo. I'm doing exercises pero parang walang resulta ? Sabi ng Mama ko mag water therapy din daw ako, ganun pa din. Ang dami ko pa ding taba sa katawan, nafu-frustrate ako kasi not just with my physical looks, pati pagkilos ko ang hirap na. Lagi na akong hinihingal. Mas lalong nagti-trigger yung Post Partum Depression ko everytime na nakikita ko sarili ko sa salamin. Pwede ba akong mag take ng meds na pampapayat while Breastfeeding? Anong gagawin ko po kaya mga Momshh. Help po.

5 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi mommy, try mo yung ginagawa ko as per advise nadin from my ob in 1day 6meals ang kinakain ko which is hindi ako kumakain ng maramihan talaga 1cup is enough na so isang 7am & 10am sa lunch 12pm & 2pm dipende pa po kung gutom ako or hindi sa gabi naman 6pm or 7pm then snacks nalang ako sa gabi also im taking malunggay tea to help na mabawasan ang mga taba taba ko to help din na makaliit ng stomach also exercise every 11am pag tulog si baby or any time in a day basta kung saan ang mood mo ganyan din kasi ako before ko maranasan na parang ang tamad tamad ko kumilos then nag research ako how to loose weight while breastfeeding 10mins a day ang exercise ko yun lang din kasi ang bilin sakin hindi ako pwedeng magnigla lang ng pag eexercise kasi, also after ko mag feed kay baby don ko ginagawa ang exercise basta after niya magfeed sakin tulog nasiya dun kona start ang exercise ko ang goal ko para mawala at ganahan ako lagi sa pag eexercise ko sayang ang mga damit ko😂 though di naman po ako tumaba talaga dating 24 lang kasi ako naging 26 kaya goal ko ng 19 😂😂 charrr

Magbasa pa