Hi mga mommies, tanong ko lang po kung possible bang maboost yung milk supply through pump lang?
My son was born last May 18, plano ko talagang ebf kami. Kaso nung pagkauwi namin sa bahay galing hospital, iyak ng iyak si baby. Na pressure tuloy akong iformula sya. Na nipple confuse po sya siguro kaya ayaw na maglatch sakin. Nag papump na lang ako para kahit papano may mainom syang breastmilk. Kaso paunti unti na lang po yung gatas ko.
Need ko po ng help, kinakain ako ng mom guilt kasi hindi ko sya mabigyan ng breast milk na need nya ππ
Thank you po sa makakasagot.
Anonymous