Ice candy Milo- 8 weeks pregnant

Hi mga mommies, super hirap po kasi ako dito sa 2nd baby ko as in suka lang ako ng suka then my ob advise me na para hnd ako mag suka magcandy daw ako or kumain ng ice cubes so tnry ko naman pero ang concern ko ksi hirap talaga ko sa water as in if hindi malamig iinumin ko masusuka ko kso if iinom naman ako kht malamig laging sip sip lang so parang nsa 2 cups of water lang naiinom ko everyday gawa nun kaya nagtry po ako gumawa ng ice candy na milo (no sugar) kahapon and nakakainom na po ako ng madaming liquid and bihira n po ako magsuka.. so nagwork yung ganung technique sakin if dati every kain ko susuka ko ngayon po hindi na konti nalang.. Tatanong ko po sana baka meron kayo masuggest na healthy na gawing ice candy? Sa first baby ko kasi yelo din ang pinaglihian ko as in pinapappak ko ung yelo pero hnd ako gnito hirap na suka ng suka.. Please help po.. Thank you..

3 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

ako po ngayong mag 12weeks lang ako saka lang mejo umokay ung pagkain ko lately kc lahat ng kainin ko sinusuka ko lang .., ginawa ko umiinom ako ng isang basong tubig sa umaga pag wala pang laman tiyan ko tapos sabay ko isusuka kc sumasama sa suka yung madilaw at green na parang acid kc maasim simula ng ginawa ko yung umayos na pakiramdam ko hindi na ko nagsusuka try mo lang baka okay din sayo hindi na ako nagsusuka nakakain din ako ng ayos pero walang gana

Magbasa pa

Hello.. simula 5 weeks sobra na yung pagsusuka ko ang nasa 7weeks nung nalaman ko na mas ok sa pakiramdam ko kapag malamig ang kinakain ko. Try mo ang avocado, mango at buko. May stock ako palagi ng buko juice sa ref para incase na iinom ako yun na lang kasi ayaw ko rin talaga ng tubig ngayon. I'm currently 10weeks and still hindi pa rin makakain ng maayos so laking tulong din ng juice and ice cream.

Magbasa pa

ako ngayon na nag 2months na OK na ako kumain ng kanin ganado nko dati ksi wla tlga kagana gana kht gustong gusto mo Ku main ng kanin dati nku mduduwal ngayon thank you lord OK na nkakakain nko maayos