Random

Mga mommies, sino po sainyo ang hindi okay ang relationship sa mother-in-law? Hindi kasi kami okay ng MIL ko. Akala ko okay kami noong andun ako sakanila nung buntis pa ako. Akala ko okay ako sakanila nung time na magboyfriend palang kami ng anak nya. Pero hindi nya pala ako tanggap una palang daw. Ano mararamdaman mo pag narinig mo yun? Share naman po kayo ng mga ginawa nyu or naging reaksyon nyu. Maraming salamat.

94 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Kiber lang with me if ever. Anak naman niya yung pakikisamahan ko hindi naman siya tsaka gusto din naman ni LIP na bukod kami sa family wala lang talaga kami choice ngayon kaya nasa bahay ng parents ko kami ngayon nag stay. I respect my MIL pero, yung issue na if ever ayaw niya sakin okay lang. 😅