sino po ba na cs dito?
Mga mommies sino po ba cs dito? Natatakot kasi ako kesa mag normal delivery. Ano po ba feeling ng ma cs? Kasi galing ako s ob ko today at ang sabe kelangan ko m cs dahil nauna ung inunan ng bata bawal n daw po ako mag labor at delikado na
Na cs din ako mamsh last aug. Cord coil kasi baby ko.. during opertion wlang pain, pro nung nasa recovery room na ko sobra akong nag chi-chill.. di ako giniginaw pro nangangatog buong katawan ko. Pinatay pa nga aircon sa room kala ng asawa ko giniginaw ako, sbe ng nurse nwawala na dw kasi effect ng anesthesia. Ang pinakamasakit pra saken, yung kinabukasan na pinapalakad kna nla.. need mo na umihi sa cr or much better ma poops... Makirot sya as in.. nkakatakot feeling ko nun bubulwak mya bituka ko... Isa pa yung catheter actually until now may time na ramdam ko pa dn kirot nya. Sa tahi nmn mejo tuyo na saken, since 2 months na...
Magbasa paWALA KANG NARARAMDAMAN SIMULA TYAN HANGGANG PAA. PERO GISIBG ANG DIWA MO. mas okay ng cs eh kesa normal ๐
isang buwan walang liguan, laging naka paha/ipit tyan para di buka tahi mo. isang araw ka lang di makakatayo after operation. Cs ka man o normal kaya mo yan momshie wag ka pangunahan ng takot. at mahalaga okay at healthy lalabas si bebe mo..
Ako momsh kakapanganak ko lang last oct.21 emergency cs hehe tanggapin nalang momsh ganun talaga kahit gano mo kaayaw ma cs para sa safety nyo ni baby, nasaktan lang sguro ako dahil nag llabor nako ng todo nun pero nung andon na kahit yung tusok sa likod dimo ramdam magugulat kalang then ayun tuloy tuloy na yun dimo na ramdam gingwa sayo na kahit ano then after ng operation makakatulog kana pero pagising gising ang dami sinasaksak sa kamay pero dimo maiinda para kang groggy na ewan pag dala mo sa room mo ayun manhid kapadin tas kinabukasan nun ako nakatayo na nakalakad na mahirap lang bumangon humiga umupo pero kakayanin naman yung cateter hindi din ako nasaktan sa pagtanggal yung pagkabit kasi dimo mararamdaman na at manhid kapa nun nung tinanggal okay lang naman kahit nung umihi ako after di naman masakit ๐ Goodluck sayo momsh kaya mo yan ๐ช๐ป
Magbasa paSalamat sis. Lakasan lang tlga ng loob. Tama ka wla tayo mggwa at alam nmn ng ob kng ano ung makakabuti๐
CS po ako momshie, last Oct 25 lang po. Okay naman po ang cs, masakit lang po talaga pag tinurukan na ng anesthesia sa likod, the rest is okay na. Ma fi feel mo nalang yung pain pag wala na effect ng anesthesia after the operation. But once makita mo baby mo, all worth it lahat ng sakit. After ko ma cs m, kinabukasan i can walk slowly na, ngayon nakakagalaw na talaga ako on my own. Just trust your doctors and pray to God lang momshie ๐ 5 days old na baby ko ngayon hehe
Magbasa paSalamat sis s reply. And congrats s inyo ng baby mo๐
Maskit syempre major operation un eh pray lng habng NSA procedure ako halos d ko n nramdamn ung pain inisip ko n lng mailabas ng safe c baby pray and pray if u want sabhin mo s ob mo bigyan k ng pangpatulog right after operation mas OK un d mo masyadong marrmdamn ung side effect ng anesthesia bgong cs lng ako last sept 19
Magbasa paSalamat s reply. Yes pray lang tlga ๐
Same case. Na emergency Cs po ako sis. Dahil sa mababang placenta. Ok na yun kesa duguin ka during labor kc ako naglabor pa 4cm grabe dugo ko nun bmbulwak kaya napaemergency cs tnry kc ng ob ko kung kaya inormal since low lying lang ako at hnd nakaharang sa labasan ng bata. Wala ako naramdaman hanggang mkpunta sa Recovery room. Kht ung turok sa likod wala.. nktlog na kasi ako pero naggisng ako habang inooperahan nddinig ko sila wala nman ako nrrmdaman.. recovery lang tlga sa 1-3rd day masakit at mhrap pero ako nun paguwe nkakalakad na at ok na
Magbasa paAh talaga so delikado pala talaga pag nauna ang inunan. S bagay sabe ng ob ko di n daw sya papayag na mag labor pa ko mahiral n daw mag baka sakali at delikado lalo na pag dinugo ng dinugo
CS ako sa twice due to preeclampsia. Normal na kakabahan ka kc major operation yan. Sa OR hindi mo naman mararamdaman ang pain kc mamamanhid ang half ng body mo. Ang masakit sis ung recovery nah. Mahirap kumilos pati pagkarga sa baby. Tatagal ng ilang weeks / months bago ka makakilos ng maayos depende sa pag heal ng wound and pain tolerance mo.
Magbasa paSalamat po s reply. Oo nga eh kinakabahan tlga ako. Mga mag kano naman ang gastos pag cs?