Poop Problem

mga mommies sino din dito ang di nakakadumi or di normal ang pagdumi minsan sa isang linggo 1beses lang or wala pa 3months preggy ako di talaga ako makadumi kahit feeling ko nadudumi ako pero pag nakaupo nako sa banyo wala naman which is masakit sa tiyan. anong ginagawa nyo para makadumi pashare naman mga sis. salamat

29 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Ganyan na ganyan po ako now, going 7 months na pero hirap na hirap dumumi, hindi naman pwedeng umire 🀣 hindi ko sure kung anong nakakatulong sakin pero sinubukan ko lahat ng nabasa ko dito πŸ˜‚πŸ˜‚ hahahaa more water, ripe papaya, pineapple at pineapple juice, yogurt, yakult πŸ˜‚ nakadumi naman na ako pero next time na ganito nanaman siguro itry ko yung prune juice super effective daw kasi yun. dko na alam alin sa mga sinubukan ko yung nakatulong saken πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ Go mommy makakaraos din hahaha

Magbasa pa
2y ago

Hindi po kasi umepekto yung ripe papaya ilang beses ko po sinubukan, kaya nagtry ako ng iba πŸ˜…

Try nyo pong kumain ng high fiber food kagaya nung Whole Wheat Bread ng Gardenia..Sobrang effective po sya sakin kahit nung buntis pa ko hanggang sa nanganak un lang lagi ang breakfast ko tsaka sinasamahan ko din ng apple at iba pang fruits na makakatulong sa pagdumi..

Ganyan din ako dati. Tuwing umaga ulam ko palagi gulay tas kumakain ako ng ripe papaya then bumibili ako ng del monte pineapple juice super effective sakin yun then maraming water sis. Sa mga gamot na iniinom natin yan minsan. Hehe! More on high fiber lang talaga. 😁❀

VIP Member

Nako. Ganyan na ganyan ako. Until now na 8 months na ko super hirap dumumi. Kakainis lang sasabihin more water. Malulunod na ko kakawater. Hahahaha. Ang ginagawa ko iinom ako mainit na milo o kaya kain ako ng oatmeal. Yung ferrous kasi kaya hirap tayo dumumi.

2y ago

try nyo po brown rice instead na white rice. it helps po.

oatmeal ako everyday..or overnight oats tapos nilalagyan ko rin ng granola:) ganyan na eversince sabi ng doc bawal umire. effective sakin, 34 weeks na ako. and di ako nahihirapan, uupo lanh tapos ayan na πŸ˜…

Kain po kayo ng food na high in fiber at (gasgas na gasgas na) drink plenty of water. Sabi po ng pineapple juice ay pampatae, pero hindi po yun totoo kasi low in fiber and high in sugar siya

before ganian ako mga moms...sinabi lang sakin ng doctor kumain ako ng mga frutas like papa pinya..yingayaman sa fiber...nakatulong talaga yung fruits nayun sakin...

ako madalas every other day nakakadumi pero hindi ako satisfied .. 🀣🀣 yung feeling na may ilalabas pa pero hindi mailabas .. malakas naman ako magwater .. πŸ€”

papaya sis, saka watermelon. sabayan mo rin inom ng delight once or twice daily. malaking tulong sakin un delight nun preggy ako kasi problem ko dn pag poop nun eh

ako 3days bago makadumi minsan 5days pa puro utot lang.. normal lang naman yata di naman natin pwede ipilit kung walang lalabas..