MIRACLES

Hi mga mommies. Share naman kayo ng stories nyo about Miracles ni God na na experience nyo sa pagbubuntis or sa mga relationship nyo, anything :) Thank You. :) tapos ano favorite Bible Verses nyo? :))

15 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

Yung hindi ko alam na buntis pala ako ng 17 weeks. Sa loob ng 17 weeks na yun na hindi ko alam na buntis ako, kung ano ano nangyari sakin. Bumalik yung depression ko, panay ako inom ng alak, hindi ako kumakain, hindi rin natutulog. Bumyahe ako lagpas 8 hours, umakyat ng bundok, yung pamangkin ko madalas talun talunan yung tiyan ko kapag karga ko sya. Lagi akong umiiyak, laging nag iisip. Lahat yun nangyari during my 1st and 2nd trimester, stage na maselan pa dahil di pa buo si baby. Para sakin isa sa mga miracle yun. Lumabas na si baby neto lang sep 28, at sobrang thankful ako kay God dahil hindi nya pinabayaan yung anak ko kahit na naging pabaya ako sa pagbubuntis ko nung mga naunang buwan. Healthy ang baby ko ngayon, super iyakin nga lang haha nakuha yata yung pagiging iyakin ko 😂 yung baby ko ang milagro na nangyari sa buhay ko, na habang buhay ko ipagpapasalamat kay Lord.

Magbasa pa