2nd wife

Hello mga mommies! Share lang po ako ng situation ko. Alam ko po rare yung ganitong klaseng kwento. 2nd wife po ako ng isang muslim (catholic po ako ang napaconvert na din this year) yes po pumasok po ako sa ganitong sitwasyon kahit napaka hirap lalo pa may kahati ka at ikaw pa ang nakikihati , pero hindi po aware yung first wife nya na meron nga pong pangalawa. May plano naman po sya umamin sa una pero humahanap pa sya ng tyempo kasi alam nyang hindi po iyun matatanggap agad-agad. Nag trust lang po ako sa timing nya, 12 years ang tanda nya sakin. Kahit papanu pantay naman po ang bigay nya na atensyon at sustento. Pero minsan di ko po maiwasan makaramdam ng selos at stress, lalo pa minsan pakiramdam ko matimbang pa din yung isa. Ewan ko po. Lagi kong tinatanggap yung sitwasyon pero minsan hindi maiwasan na makakaramdam ng ganito. At alam ko po, mas masasaktan yung una kapag nalaman nya :( nakokonsensya po ako pero hindi na po ako makakaatras sa ganitong sitwasyon. Gusto ko nalang pagtuunan ng pansin yung pagbubuntis ko. Hindi ko po alam ano pa magiging sitwasyon balang araw, pero kung pwede lang ibalik yung oras. Hindi po ako papasok sa ganitong bagay. Masaya kasi mahal ko yung tao at magkakaanak na kami, pero pag wala na sya at alam kong bumabawi sya sa isa, sobrang masakit din isipin. Sobrang emosyonal ko minsan siguro dhil na rin sa pagbubuntis. o talagang di ko lang talaga tanggap ng buo etong kalagayan ko :(

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Hi Momsh, ito lang maasasabi ko.. First and foremost, ikaw na nagsabi na alam mo sa una pa lang na pangalawa ka lang. So, some would expect na tatanggapin at naiintidihan mo rin kung bakit ganyan ang sitwasyon mo ngayon. It's like.. "Tanggapin mo nalang.. pinili mo maging ganyan. Pinili mong ilagay ang sarili mo dyan." Ang akin lang Momsh, look into the positive side nalang sa sitwasyon mo. Pangalawa ka nga lang but inaalagan ka naman at minamahal. Yan ang importante ngayon for you. Wag ka ma stress.. that's not good for you and your baby.

Magbasa pa
6y ago

Thank you po. Minsan po na ddown na din ako kasi feeling ko di naman ako yung biktima dito eh. may ambag ako sa pananakit ng ibang tao :( pero salamat po