SHARE LANG❤️ (long post ahead)

Hi mga mommies share ko lang experience ko🥺 Kung may same case ako, sending virtual hugs for you kaagad🤗 6 years na kami nang lip ko, last year binigyan na kami ni papa God nang isang baby boy❤️ tagal na namin nagtry pero last year lang siya binigay samin, turning 1yr old na siya next month😍 Nov14, 2019 nanganak ako, lahat pumunta on both sides after ilang days tinawagan ako nung parents niya tinanong nila ko na kung gusto ko daw eh iuwi na nila nang una sa bahay nila dahil mapoprone sa kung anong sakit or virus sa hospital ang baby ko, and YES I said yes kaagad ayoko pero di ko alam kung bakit ako umoo 3 days old palang ang baby ko non, na cs ako kaya medyo nangarag kami sa 80k na bill sa private hospital, sobrang hagulgol ko non parang ninakawan ako nang anak iniisip ko din bakit pumayag ako, then the day after nalaman nang sa side ko at at ayon nag hysterical sila mula sa parents hanggang sa mga pinsan ko bakit daw ganon ginawa if kung gusto daw ilabas yung baby dapat kasama ako hindi yung mauuna partida breastfeed ako non sobrang sakit nang dede ko non kasi sobrang lakas nang gatas ko nabinat ako magdamag walang gana nung kinuha nila yung baby ko, and then iyak ako sa pamilya ko that time kasi nasa ospital din ang mama ko dahil sa komplikasyon niya sa diabetes naputulan siya nang isang binti nung nanganak ako non at sinabi ko na umoo ako kasi akala ko walang tutulong sakin kasi ganon nga ang sitwasyon namin noon sa 500k na bill niya tas 80k sakin sobra din ako stressed non kaya di na ko nakakapagisip nang maayos🥺 pero sa huli sila padin pala ang tutulong sakin lahat nang alahas nang mama ko non inambag niya mailabas lang ako, wag na natin pag usapan yung about sa pera ang mahalaga eh nailabas ako non✌️ and ayun na nga pinabalik nila si baby non sa ospital and happy mommy na ulit!!!❤️ After 1 week nakalabas na kami, nag decide kami nang lip ko na itry muna nang 1month sakanila pero tama padin ang pamilya ko non🥺 mawawalan ako nang pwesto sa anak ko, akala ko non may sarili kaming kamang tatlo ni baby, no sa baba sa sala kami natutulog ni lip then si baby sa tabi nila dun na nawala din gatas ko humina na dahil sabi nila hindi nakakataba ang gatas ko!!! Kaya ngayon hirap kami sa gatas na formula!!! HAYS biggest mistake namin yon ni lip, then lumipas ang days and weeks, lagi lang nasa taas ang anak ko nahihiya ako umakyat sa kwarto nang parents niya dahil una sa lahat napakafresh nang tahi ko, tatawagin lang ako sa baba para kunin sa taas ang bote ni baby ko non para hugasan at iakyat ulit pagtapos, tapos lumilipas ang araw nang ganon nalang palagi tiga laba, hugas at ipapaalaga lang kapag aalis sila or whatsoever🥺 at lumipas na ang 1month yun lang naman usapan namin ni lip eh at dun na ko sumabog sobrang iyak ko that time talagang nagwawala ako sa kotse non sabi ko sakanya "ayoko na nang ganto para kong walang anak, gusto ko siya katabi pag gising at bago matulog, sawang sawa na ko, minsan kakahawak ko palang, iiyak lang siya nang konti kukunin kaagad na gusto ko ako yung magpapatahan sakanya pero dahil nauuna hiya ko at respeto ko dahil baka masamain nang nanay mo di ko magawa!!!" then una nagagalit din si lip pero sa huli nakinig padin siya sakin🥺 at ayon umuwi na kami sa bahay namin, ang kasama lang naman namin sa bahay si papa nalang eh, kinuha na ni papa God kasi si mama last march 2020 lang🥺 ngayon mga mommies gusto nila hiramin si baby for 2 days pero ayoko na talaga hindi sa pinagdadamot dahil siya lang naman ang gustong kunin kasi walang problema sakin na dalawin nila sa bahay napakaopen nang bahay namin kahit kanino, natrauma na kasi ako sobra at nandon ako sa point na daily routine nang buhay ko kasama ko ang anak ko eh🥺 sabihin niyo nang madamot pero kung sobrang ka nang na attached ka sa anak mo maiintindihan niyo ko🥺 and dagdag ko pa di naman talaga kami good terms kasi nang parents niya for 6yrs kaya ganto padin kasama ang loob ko, from 4th yr hs habang tumatagal mas lalong lumalala, yung mga di ko na experience sa parents ko sakanila ko lang na experience, murahin ka, pagsabihan ka nang masasakit na salita, pahiyain ka sa labas, eto lang na malapit na ko manganak ipakita ba naman sa anak nila yung mga ex niya tas sasabihin na "eto sana gusto ko para sayo eh, kaso buntis na daw ako" idagdag pa natin yung di pa namin alam lahat na buntis (5months) na pala ako pero dun kami natutulog minsan sabi nung nanay niya na malas daw yung nagsasama nang di pa kasal at mamalasin daw yung bahay so after non di na ko natutulog o pumupunta don tapos nung nalaman na buntis ako dun nalang daw muna kami tumira kasi daw swerte🤣 wtf dba!!!! And ganon din nung nandito na kami after 1month sakanila hinahanap nila yung anak nila sakin dahil dala yung kotse pero ako yung pinagmumura nung tatay niya kesyo adik pa nga daw ako sabihin daw niya sa kamag anak ko tapos after non nagsosorry for 6yrs nilang ginagawa sakin yon ngayon lang nagkaanak kami nagtetext na nagsosorry sila sakin hahahaha😂 yes may mga mali kaming bagay din kami nagagawa nang lip ko dati pero for me hindi yun ang reason para itrato nila ako non nang ganon, sobrang haba na mga siz ang advice ko sainyo na same nang situation laban lang, ang mahalaga ang anak natin okay nang tayo lang ang saktan in different ways wag lang ang anak natin💪❤️ and PRAY LANG🙏🏻 yes napapatawad ko sila pero di ako nakakalimot, mali man sa paningin nang iba pero iba iba kasi tayo nang nararamdaman❤️ and ngayon peaceful na kami after nung last incident no contacts etc tamang comment lang sa mga pics namin ni baby, at sobrang happy namin ni baby na magkasama na kami araw araw❤️❤️❤️ LABAN LANG MGA MOMMA PARA SA MGA ANAK NATIN, THERE'S NO GREATER LOVE THAN A MOTHER'S LOVE IKA NGA🥰

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Magpalakas ka momsh tama yang ginawa mo💗😊