Crisis is waving πŸ˜”

Mga mommies ramdam nyo na din ba ang krisis? sa mahal lahat ng bilihin ngayon ultimo itlog nag taas na din, at dumating na nga kame sa puntong tsitshirya na lang ang ulam dahil naubusan pa kame ng gatong gusto kong umiyak kase nagkataon din na walang wala kameng pera, wag nyo naman sana ako or kame i judge ito naman ay hindi lang siguro ako ang nakakaranas na mag ulam sitshirya malamang sa malamang yung iba ni wala ng pambili ng bigas sa mataas na din ang bigas, kelan kaya makakabawi at bababa ang lahat ng presyo ng bilihin. Naishare ko lang mga ka mommies

11 Replies
 profile icon
Magsulat ng reply

yes po sobrang mahal na ng lahat ng bagay ngayon πŸ˜” ung sahod ko dti 9k per two weeks ang matitira aken 100 mswerte pa kung 100 ngayon 9800 snweldo ko natira sken 45 pesos ni isang spaghetti sa jolibee di makaka bili πŸ˜” naalala ko non mi year 2020 pareho kmeng alang work ng husband ko ulam ko kamatis at kanin, minsan kangkong na nilaga o ung sardinas na pinamigay ng kandidato kase covid surge un e..ung corned beef na hindi kilala un pala expired na πŸ˜” ang hirap talaga grabe.. kaya plan ko dti 2 gusto kong anak, ngayon isa na lang sana (1st baby ko to pinagbubuntis ko) kse isipin ko ung gastos sa pag aaral sobrang laki na.

Magbasa pa
2y ago

true mi sana sa susunod na administration maalala man lang nila tayong maliliit at kapos sa pera yung 1k mo parang barya na lang samantalang noon pag may 1k ka ang dami mo na mabibili eh ngayon kulang pa 1k mo pang budget.

Konting tiis nlng, si BBM naman ang nanalo, magiging 20 pesos nlng ang bigas. Tapos siya pa hahawak ng department of Agriculture, magagawan nya paraan bumaba ang presyo ng mga bilihin. Tiis pa mi. Panalo naman na si marcos, baka mamigay na rin sila uli ng nutriban, makakatulong yon saten

2y ago

so ayun nga. madami pala talaga nauto yung 20 pesos na kilo ng bigas. hahaha.. tingnan na lang naten kung bumalik nga. kung bumalik, di mabuti. kung hindi kawawa yung 31M na umasa ✌️

pareho na po kaming may trabaho ni mister pero hirap na din. pero kakayanin natin to. lalo na mga nanay tayo. 😊. pagpray natin na ung next administration may plano para matulungan ibalik ang ekonomiya natin. tapos gawin na din natin ang best natin. fighting lang!

Mi naranasan namin yan ng mister ko nung 5mos. plang baby nmen buti may mga kamag anak akong tumulong smen until now di ko sila malimutan. Naloko kaso mister ko sa brunei kaya walang pers nung umuwi. D nman kami natulungan ng parents nya

true mi. super hirap magbudget ngayon lalo ngayon buntis dami bawal kainin kaya dapat talaga my budget sa pambili ng food, kapit lang mommy makakalampas kadon sa ganyang sitwasyon. laban lang tayo para sa mga baby natin

VIP Member

Kapit lang mommy. Things will get better eventually. Naranasan ko yung naghihingi nalang kami ng sabaw sa karinderya para pang ulam since libre naman siya. Praying for provision para sayo and sa family mo.

mag gulay kayo or prutas mamsh para may sustansya pa rin kinakain nyo. try nyo rin peanuts or tofu for protein. wait lang tayo, malapit na mag β‚±20 per kilo ang bigas. charot πŸ˜‚πŸ˜‚

TapFluencer

praying for provision po sa inyo miii. sobrang taas po ng bilihin talaga ngaun :( sana maka recover ang economy

okay lang yan my basta magkasama kayo ni hubby sa hirap at ginhawa makakaraos rin kayo sa buhay tiwala lang

VIP Member

same mi, yung sinasahod binabayad lang sa utang.