ppd?

Mga mommies. Post partum depression na ba to? 2 months mula nung nanganak ako, laging masama loob ko sa hubby ko. Sya din kasi e laging naiinis sakin. Kaya tuloy kahit anong gawin ko dito sa bahay nakasimangot ako. Hindi ko na maintindihan. Minsan sa gabi umiiyak ako. Parang walang nakakaintindi sakin e. May depression nako bago pa man ako mabuntis. Pero nung nagbuntis ako ewan siguro nawala. Natigil ko kasi yung pagsself harm ko e. Ngayon nangangati na naman akong maglaslas. Iniisip ko nalang yung baby ko. Para kasing hindi nako mahal ng asawa ko eh. Parang hindi na gaya ng dati. Ayoko naman kausapin sya about this kasi baka sabihin nya OA lang ako. Iniiyak ko nalang. Minsan parang gusto ko nalang magpakalayo layo. Yung kaming dalawa lang ng anak ko. Possible pa ba na magkappd kahit 2 montjs nang nakapanganak?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kausapin mo, momsh, yung hubby mo. Ipaintindi mo sa kanya yung sitwasyon mo. Part ng pregnancy at after giving birth yung makaranas ng PPD. Ako nun, naiiyak ako pag naiinis sakin hubby ko o kaya hindi nya ko pinapansin. Sinasabi ko sa kanya. Naaawa naman sya sakin kaya naging careful din sya. My point is, baka need nyo lang po ng open communication. Wag mong isipin na ang OA mo (well, ganon din ako nung una kasi nga petty things lang nagrereact na ko e kaso di ko kasi maiwasan ๐Ÿ˜…) Praying for God's comfort and courage to be upon you, momsh.

Magbasa pa

i got that nung mag one year old na baby ko. late na masyado noh? pero yeah nagkaron pa rin ako ppd. so tingin ko pwede na ppd. mas maganda makakausap ka ng specialist