Advice pls about kay LIP

Hello mga mommies, pls bear with me--long post :) Need advice po kasi sa relationship ko with bf. Btw, live in na po kami and expecting a baby on August. So ayun nga po, before po nung di pako preggy, pinagtatalunan na po namin ni bf ang money. Halos kasi lahat ng expenses namin ako nagbabayad. Maliit lang kasi salary niya at altho okay naman ang salary ko, di uubra ang sweldo naming dalawa kung gusto namin mag-family. So naturally, pinaghahanap ko siya ng ibang work kung gusto niya bumuo kami ng family. Plus, sobrang kinatatamaran niya na pumasok sa work niya dahil panget ugali ng teammates niya. To the point na may whole week siyang di papasok, or magaabsent siya para magbasketball kasi pampawala daw ng stress. Siyempre ako, nagagalit sakanya kasi maliit na nga sahod niya, mababawasan pa. Ang sabi niya e may leave credits naman siya kaya ok lang. Pero nakakairita pa din kasi ang tamad ng dating, kung di ka masaya sa work bakit di ka magapply sa iba, di ba? Hanggang sa ako pa gumawa ng resume at jobstreet acct niya, kung di pako magalit di siya magaapply apply pag nagaabsent siya. Ayun, pakiramdam ko nakaasa lang siya sakin kasi. Ako nagbabayad ng lahat ng bills. Di ko alam ano pang encouragement ang gusto niya para maghanap ng work na may mas malaking sweldo. Kaya nasabihan ko siya na parang wala siyang pangarap sa buhay. Kaya ayun, yung mga pagrarant ko na yun sakanya dinamdam niya, to the point na halos maghiwalay na kami kasi nagawa niyang magcheat. He tried dating a girl several times. Ewan, eventually he realized naman 'daw' na mas gusto niya ako. That's another story (pero sobra na ang trust issues ko dahil dun). Anyway, naging ok kami now, nagreconcile at naging preggy agad. Now, nagaaway padin kami about sa money (and ofcourse trust issues) pero at least kahit maliit at kahit minsan nakakapagbigay na siya. Nagdedemand ako kasi para kay baby. Ngayong ECQ, nagstay kami sa mommy ko at super thankful ko kay mama kasi di ako pinapagastos. Continuous naman work ko now (wfh naman) kaya nakakasave kahit papano. Pero si bf, dahil nga pangit ang employer niya, layoff sila until august (e kabwanan ko na yun). At sa liit ng sahod niya, di din siya naka-save for my upcoming labor. Ngayon, sinasabihan ko na naman siya na iready na ang resume niya at magsend na sa jobstreet, baka may maghire kahit quarantine pa kesa intayin niya pa na pabalikin sila sa work ng employer niya. Pero parang di na naman niya susundin. Pakiramdam ko kasi gusto niya na ako nalang magwork, siya sa bahay at magalaga kay baby (may mga pahapyaw kasi siya). Tho infairness kay bf kasi talagang masipag siya sa gawaing bahay. Magaling siya magluto na hindi ko kayang gawin. Kumbaga, opposites kami. Sobrang tamad ko sa bahay, nasanay kasi kami ng parents ko na puro aral/work lang, habang si mama o may kasambahay na gumagawa ng house chores. Pero ayun nga for me, wfh naman ako now so may magbabantay kay baby pag lumabas na siya--maaalagaan ko. At siya sana maghanap na siya ng work na may maayos na pay kasi kung gusto namin magprovide ng magandang future sa anak namin, kailangan dalawa kami magwork. Ayoko umasa sa mama ko nakakahiya. Yung family naman niya hindi din well off para kahit papano matulungan kami financially e. Kaya ayun po, kung kayo nasa posisyon ko ano mararamdaman niyo kay partner? Ano ba ang mas magandang gawin o iplano ngayon habang di pa lumalabas si baby? Pabayaan ko nalang ba na wag magwork si bf since siya naman ang mas magaling sa house chores o ipush ko na magwork siya? If ipush na magwork, pano ko na naman sasabihin sakanya ng di nya dadamdamin? Haay. Ang hirap po kasi parang iba kami ng upbringing kaya magkaiba kami ng disposisyon sa buhay. Ang parents ko kasi pinalaki kami na work aral work lang para may magandang future, habang siya gusto niya chill and stay at home lang. ? Sorry po, semi rant na din tong post ko.

1 Reply
undefined profile icon
Magsulat ng reply
VIP Member

have a deep conversation with him sis. like ask him what his plans are.. di lang puro parinig. ikaw din sis u lay out ur plans and u both meet halfway. if he wants to stay at home, maybe he can find ways to earn as well.. if his plan and ur plan di ma mg meet, u have the choice to stay or not.