Stress at 36 weeks

Mga mommies, palabas lang ng stress :( I am currently 36 weeks pregnant and super nasstress na ko sa work. Last day ko na bukas and diretso mandatory leave and maternity leave na ko nito starting friday. Kaso since year end na ang daming demands ng management bago ako magleave and hindi ko pa sya natatapos until now. Babae din ang boss ko, pero dalaga sya and around 40s na age nya. Feeling ko di nya ko naiintindihan, I mean yung pinagdadaanan ng buntis. Ang dami nya o ring demands and straightforward talaga sya magfeedback sakin. Naaappreciate ko naman yung mga feedback. Still professional p din naman and for my own improvement din naman yon. Pero since sa hormones natin, sa loob loob ko, nahuhurt ako na naguguilty. Kasi to be honest hindi ako naging performer this year unlike before, nung hindi pa ko buntis, im one of the most competitive and performer talaga ako sa work. Inaamin ko napabayaan ko somehow yung work ko and wala ako masyadong nadeliver this year to deserve an excellent performance. Nadodown ako kasi baka mababa bonus ko next year. I know it’s on me naman. Pero nung nagbuntis talaga ako medyo naglie low ako sa work. Nag ooverthink ako ngayon na baka mababa bonus ko next year and it makes me sad and stressed :( malapit na ko manganak and excited ako sa paglabas ni baby. Kaso kada naiisip ko yun, bigla ako malulungkot. I am praying and keeping my faith to Him. I know He has a better plan. Ayun lang minsan di ko talaga maiwasan na hindi malungkot. Sorry mga mommies if mahaba man tong post. Gusto ko lang maglabas ng stress and alam kong kayo lang makakaintindi sakin.

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Walang masama na unahin mo pagbubuntis mo kayaa work, ganun talaga kaysa mastress ka ng sobra at maapektuhan yung buhay sa tyan mo. Madali maghanap ng work at madali bumalik sa dati mong performance pag nanganak ka na at nakabalik na sa office. Pero yung baby mo hindi yan mapapalitan, buhay yan eh gift from God. Kailangan talaga unahin ang health mo. Wag ka magpastress affected din anak mo.

Magbasa pa
3y ago

Tama ka mi, kaya naglie low ako ngayong buntis kasi ayoko mastress. Sa buong 36 weeks na yan hindi ako nastress kasi nagpakachill lang talaga ako sa work, yung tipong dati na pabibo sa work pinaubaya ko na mga projects sa iba. Kaso dahil don ngayong nasa 36 weeks na ko and papalapit na ang leave ko, tsaka biglang dumami yung demands ng boss ko since mag yeyear end and nagka-cramming ako ngayon. Syempre kahit papano professional tayo at kahit papano Im doing my best na madeliver yung expectation nila from me. Salamat sa advice mi, actually nagpaset ako one on one meeting sa boss ko bukas bago ako magleave para mahand over ko din ng maayos kung ano man maiiwan kong work na hindi pa nagagawa. Medyo okay na ko ngayon, nahimasmasan na from the stress. Just praying na maging okay ang lahat bago ako magleave. Yung bonus hindi ko na iniisip kung mababa man. Thankful p din kahit magkano. Si baby pa din ang best blessing 😊

TapFluencer

Ok lang yan mi wag ka ma guilty lalo pag para kay baby, khit di ka maintindhan ng boss mo wag ka magisip isip. Buti nga ikaw mi may babalikan kang work kasi ako resign tlaga kasi maselan ako magbuntis. Ang pera kikitain pa yan, mnsan lng tyo mka experience ng gnto kya icherish natin 😊😊😊 cheer up mi 😊

Magbasa pa
3y ago

Thanks mi, nakakagaan kahit papano ng loob. Yup tama ka nga, salamat sa pagpaparealize sakin. Im praying for your family as well, God willing, makakahanap ka din nyan ng work pag medyo nakarecover na kay baby. Sobrang nadown at nastress lang ako kanina kasi hindi ko pa natatapos yung deliverables ko eh last day ko na bukas. Pero okay na ko ngayon 😊