Hi mga mommies, pahelp nmn po need lang ng opinion niyo, i'm on my 27th weeks na po. Nagpapacheck up ako sa midwife sa lying in, nung unang nagpa ultrasound ako placenta previa po ako, then nirequire niya ko another ultrasound after 2mos. Same prin po placenta previa prin ako, ngayon sabi niya sakin maghanap na daw po ako ng ob magpacheck up na daw po ako sa ob. Ngayon po naguguluhan ako, kasi hindi ko po alam kung saan ako magpapacheck up, sabi po kasi sa public hospital nlang daw po dito samin para bka sakaling ma CS daw ako mababa lang presyo, kaso ntatakot ako kasi dun tlga dinadala yung mga covid positive. Ntatakot ako na bka mhawaan kami ni hubby, meron nmn hospital dito na di nagtatanggap ng covid patient, PUI at PUM kaso private at sabi nung nkausap ko maghanda daw ako ng nsa 200k, eh wala nmn kaming ganun.. Kaya sobrang hindi ko po alam san ako pupunta ngayon, ok sana sa public hospital pero sobrang ntatakot lang ako mhawaan ng covid, bale yung public hospital kasi may ktabi pa siyang mlaking private hospital na puno din ng covid patient. Pkiramdam ko kasi irirsk ko kami ng baby ko.. Hingi lang po sana ako opinion, salamat po