Kalma.
Una, 34wks ka pa lang. Matagal-tagal pa yan.
Pangalawa, paglabas ng baby, lalo kayong magiging busy. Hindi ka makakatrabaho agad, swear. Siyempre magpapagaling ka, tapos mag-aasikaso ka pa ng baby, ng asawa at ng bahay.
Pangatlo, umupo kayong mag-asawa ng relaxed, go somewhere na marerelax kayo, like sa park o mag-date sa mall. Tapos dun kayo magplanong mag-asawa. Magkapartner kayo, kailangang mag-jive ang mga desisyon at gusto niyo. Pag-usapan ang mga gastusin, kung pano ang pag-ba-budget, etc.
Pang-apat, kung kinakailangang umutang muna pansamantala, gawin ito. Para lang merong kayong ilang buwan na walang pressure sa budget, lalo sa baby.
Pang-lima (at pinakaimportante sa lahat), MAGDASAL. Walang maidudulot kung magkukumahog kayo. Si Lord ang bahala, lumapit kayo sa kanya. Ilapit mo ang pamilyang binubuo niyo.
Btw, may page sa facebook:
Filipino Homebased Moms
Makakatulong yan sayo.
Meron ding version niyan na pang-tatay, try niyo na lang i-search yung page.
Mag-breastfeed ka mommy, laking tipid. Nakakapagod siya, pero mas nakakapagod maglinis ng bote, magastos pa.
Goodluck!