34weeks 6/7

Mga mommies pa help naman po, pa advice lang. Parang gusto ko ng manganak ng makaraos na, awang awa na kasi ako kay mr. stressed na stressed na sa work, gusto ko na siyang tulungan. Hindi ako nakakatulog ng maayos, kasi kakaisip kung ano ba pwede kong itulong sakanya. Halos short na short na rin kami?? gusto ko mag homebased, pero high school grad. lang po ako? pang 2nd baby na po namin to, any idea mga mommies. Gusto ko lang makatulong kay mr. ??? sa tuwing nakikita ko siya, sa mata niya pa lang. Alam kong napaka lalim ng iniisip niya. Tulad kanina, sinwap kasi namin phone niya sa laptop. Para makapag homebased siya, kaso dissapointed siya dahil yubg inapplayan niya. Wala ng bakante? naaawa tuloy ako, dahil nag aral pa siya ng mga kailangan aralin tas snwap niya pa phone niya. Tapos masasayang lang? sobrang disappointed siya sa sarili niya. Ano kaya pwede kong gawin? Salamat po sa sagot! ?

2 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

Kalma. Una, 34wks ka pa lang. Matagal-tagal pa yan. Pangalawa, paglabas ng baby, lalo kayong magiging busy. Hindi ka makakatrabaho agad, swear. Siyempre magpapagaling ka, tapos mag-aasikaso ka pa ng baby, ng asawa at ng bahay. Pangatlo, umupo kayong mag-asawa ng relaxed, go somewhere na marerelax kayo, like sa park o mag-date sa mall. Tapos dun kayo magplanong mag-asawa. Magkapartner kayo, kailangang mag-jive ang mga desisyon at gusto niyo. Pag-usapan ang mga gastusin, kung pano ang pag-ba-budget, etc. Pang-apat, kung kinakailangang umutang muna pansamantala, gawin ito. Para lang merong kayong ilang buwan na walang pressure sa budget, lalo sa baby. Pang-lima (at pinakaimportante sa lahat), MAGDASAL. Walang maidudulot kung magkukumahog kayo. Si Lord ang bahala, lumapit kayo sa kanya. Ilapit mo ang pamilyang binubuo niyo. Btw, may page sa facebook: Filipino Homebased Moms Makakatulong yan sayo. Meron ding version niyan na pang-tatay, try niyo na lang i-search yung page. Mag-breastfeed ka mommy, laking tipid. Nakakapagod siya, pero mas nakakapagod maglinis ng bote, magastos pa. Goodluck!

Magbasa pa

I know how frustrating that feeling is. But for now Mamsh, try not to stress yourself too much. Think of the baby inside your tummy. We don't want our little one to be affected by the emotions we let ourselves feel. I'm a SAHM and just like you, I want to help my hubby too. But for now, all you can do is to stay as healthy as possible. Para healthy lumabas si baby. Mahirap magka complication paglabas ni baby. Mine had sepsis and we had to stay in the hospital for two weeks. In time Mamsh, makakatulong din tayo kila hubby. 😊

Magbasa pa