25 Replies

Di po talaga nawawala ang kaba pag ganyan lalo na di pa natin sila nakikita at isa pa sa nakakatakot yung stillborn.. Syempre bilang nanay wala tayo ibang hangad kundi healthy ang batang dinadala natin.. Pray lang tayo palagi mommy at think positive.. At kelangan tayo din ay healthy habang nagbubuntis.. Pag pray din natin ang mga baby na nakikita natin may kapansanan na sana sa kabila ng kakulangan nila ay mahalin sila at tanggapin ng mga taong nakapaligid sakanila at sana maging matatag sila harapin ang buhay

VIP Member

Same mi. Lalo kasi at nakunan na ko sa 1st baby ko sana. Tapos diabetic and hypertensive pa ko kaya may insulin and other meds ako since nag start ako mag buntis. Kaya grabe super paranoid talaga. Minsan pag di ko naramdaman si baby ng ilang oras gusto ko na magpa utz agad. Pero sabi nga ni ob ko, don't attract negative forces, hehe. Happy thoughts lang. By God's grace okay naman si baby pati sa CAS. Tapos malikot din hehe. Tiwala kay Lord mi 🥰 Our babies will be okay and healthy 🥰🥰🥰

basta eat healthy food lang momsh tqpos regular check-up kay OB para mamonitor kayo. ganyan din ako dati lagi ko nakikita sa tiktok yung mga baby sa tyan na biglang di na huminga halos Taga scroll ko ganon nakikita ko tapos may 1 time na tatlong araw di ko naramdaman gumalaw si baby sobrang paranoid ko kaya kahit kakagaling lang namin sa aming private OB bumalik agad kami 🤦🏼‍♀️ yun pala nakatalikod lang si baby kaya di ko ramdam sipa niya

same haha nakakapraning talaga sating ftm. Pag may nakikita akong mga ganun nagpe-pray ako agad na sana healthy si bby at normal. Since normal naman lahat ng lab ko at di ako maselan, think positive na lang ako. Pero di din maiiwasan lalo na dito sa app na to. Daming concerns about sa problems nila. Nakakasad lang. Sana lahat ng preggy moms at babies ay okay and healthy.

first baby ko nung una napaparanoid ako kung kamusta si baby sa tiyan ko pero ng nagpaultrasound ako nakita ko at narinig ko heartbeat ni baby nawala na po yung kaba ko super happy ako na healthy at safe si baby less stress din po iwasan yung mga tao at bagay na nakakapagpastress sayo para di maapektuhan si baby

same po mi. di talaga mawawala yung feeling na mag worry ka kase di mo sya nakikita at nakikiramdam lang tayo sa mga movements ni baby sa loob. pero after every check up & ultrasound naman, kapag nakikita kong okay sya napapanatag ako.

ako may time po na ganyan lalo na at first time mom po ako. pero after check up and ultrasound naman po ay nawawala yung ganung fear ko lalo po pag sinabi ni ob na ok si baby and nakikita ko po na malikot sya ☺️

Ganyan ako nun nasa 2nd trimester ako, and it gives me stressed talaga. I told my ob about it. Best advice niya is lessen the socmed kasi maraming negativity nadadala sa mga ftm.

ifeel you mi, ganyan din ako ako e after ko mapanood un sa mga fb na bata o tiktok na mga naganaganak, icp ako ng icp.. cas ultrasound ko ngaun 22 excited ako na kinakabahan sana nman ok lhat c baby♥️

yes po normal lang ma paranoid tayo kaya po if pwede nyo videohan or irecord habang inuultrasound or doppler kayo gawin nyo para pag naiisip nyo pakinggan nyo lang heart beat nya ❤️

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles