24 Replies
Sa Chinese Gen po ako nanganak last June 25. Nasa 30k po nagastos ko since normal naman. Sabi nung doctor, if CS mga nasa 70k-90k daw. Required din magtake muna ng swab test before ka manganak tapos validity is 2 weeks only. Pag di ka pa nanganak sa loob ng 2 weeks, need mo ulit magtake ng swab test. Yung swab test is almost 8,200.
Sa hospital namin before aabutin ka na 200k. But daming positive cases so lumipat kami. Private hospital parin pero no virus cases. Estimated namin 80-100k narin due to price increase. Though wala pang final rate kasi depende pa sa itatakbo ng panahon ngayon gawa ng virus.
Kung gsto mo tlga mkatipid sa lyin in ka nlng almost sane lng nmn bsta alam mo sa srili mo kaya mo kc usual nmn na nasa hospital nanganganak is may problema sa pagbubuntis nila tska sayang ang pera pde mo pa magamit kay baby👍🏻
Maternity clinic at kung may maiooffer din sila sayo na sila na mag babayad ng philhealth mo para wala ka gastusin sa panganganak then mag bibigay na lng sila ng receipt as proof na Nabayaran nila yung philhealth mo
25k ako less na philhealth sa Perpetual Succor Hospital and Maternity Inc. Sampaloc Manila. NDS and philhealth ward. No to private ako kasi hindi pa tapos ang gastos kapag nanganak kana.
Kailan ka nanganak Jen?
Medyo pricey tlaga sa Chinese gen sis. Dyan ako nagpapa check up dati and same amount din ung quote nila sken, kaya lumipat ako ng Bernardino Gen (Novaliches) branch.
matagal ako sa labor room kaya mahirap, kasi wala na ko kasama non,wala na dn kahit anong gamit. Once na pinasok ka don, sa waiting area na si hubby hanggang sa mailipat ka sa ward/room mo. Pero ok naman. Sumusunod naman sila sa proper disinfection protocols. No madk no entry, may sanitizing foot mat,etc. Nung nanganak ako, mejo matagal nga lng ang waiting time sa paghhntay na magkaroon ng bakanteng room. So stay ka lng doon sa loob nung operatig room hanggat may avail. Room na.
Ako 58k CS, last May 23, 2020, sa VT maternity hospital sa marikina. Private room, 3days 2nights confinement. Kasama na din dun yung charges for my baby. :)
sa Ob ko po 30-50k NSD tas 63-75k Cs sa Trinity Women and Child Hospital po sa Manila near Sta.Ana Hospital
12k jose reyes hospital sa manila, MAY 11 po ako nanganak. Bali 4700 na lang binayaran namin dahil may philhealth ako
Dito po sa ospar sa paranaque libre ob walang bayad.
Kung kaya mo nman inormal no need magbayad ng malaking bill kse ako normal kung lying in 3k lng bnyran ko
Anonymous