āœ•

1 Replies

Mag 31 weeks na rin kami ni Baby, pang 4 na Baby. Sa mga naunang 3 na lahat normal, puro shave lang ginawa ko o ng mga Doctors. Mas iindahin mo kasi yung sakit ng tahi sa pempem mo after manganak kesa sa kati ng tumutubong buhok. šŸ˜… Ngayon ang pinagagawa ko sa Mister ko e i-trim yung buhok kesa i-shave.

Hindi ko na ma-recall yung sa panganay saka pangalawa ko kasi ang age ng mga Babies ko: 15, 10 and 3 tapos itong pinagbubuntis ko ngayon. Yung sa pangatlo ko, 1 week lang recovery ko dahil wala akong tahi. Sabi ng OB ko since hindi naman daw ako pinilas kaya hindi ako tinahi. Kaya naging mabilis lang ang healing at recovery ko last 2020.

Related Questions

Trending na Tanong

Related Articles