MIL
Hello mga mommies, maglalabas lang ng nararamdaman ko, yun mother in law ko kasi gusto nya iuwi anak ko sa bahay nya, dun na lang daw nya aalagaan. Ako bilang ftm at nasa state pa ng recovery, nababadtrip ako. Madalas pa hinahayaan nya umiyak ng sobra si lo tapos kapag sobrang iyak na saka matataranta at pagagalitan pa yun anak ko. Sensitive lang ba ako dahil nasa state of recovery pa ako o may ganito din sa inyo nakakaexperience? TIA!