Early Married Life
Hello mga mommies! I've been a VIP parent here for 3years kaya anonymous lang post ko. Medyo seryoso kasi to. And i need to hear from you kasi baka may nakaexperience narin ng ganito. This is regarding our married life. Married for 4years. 29F, 30M. I choose to ask it here kesa sa fb pages toxic ang mga replies pag tungkol sa problem ng mag-asawa. Hiwalay agad ang solusyon. NapakaGeneric. Lols. My husband is currently experiencing stress and namamayat tlga siya. Sinasabi naman nya sakin kung ano mga naiisip niya. Currently kasi, he is the house husband for more than 1year na. Kasi pinaalis kami ng papa ko dun sa bahay na kinalakihan ko. (ibang kwento na yun but we are civil naman. no hard feelings. I want peace of mind). Nagusap kami if sino saming dalawa ang magive up sa work. Ako kasi admin staff sa private school. Heavy ang role ko. Higher ang payslip ko than him kasi perm nako and may incentives kasi multitasker ako sa work. Siya naman, perm narin kaso hindi tumataas sahod nya. Kung ano lng tlga provincial rate 395, yun yun. No Work No Pay. Private loan company yun. Sabi niya nabuburnout and stress narin sya sa work nya. Matagal na niya gusto magresign dun bago pa kami paalisin sa bahay. Kaya ending, siya ang nagresign. Okay naman sakin kasi panatag ako na kaya niya alagaan anak namin na 1yo plng that time. Lalake anak namin. As time goes by, nkakapag adjust naman na kami. May mga utang ako. Yes, ako kasi acct ko yun. Di ako msyado nagpapastress when it comes to pera. Magsamalaki, maliit ang income, nagkukulang parin kasi sa lifestyle ng tao. Naospital anak namin by August last yr. Benign Febrile Convulsion 2nd seizure nya. Yung una nung 1yo sya. Nkaconfine anak namin, bigla dn sya nilagnat. Umpisa nun, unti unti na sya nmamayat. Pinapaliwanag ko naman sknya na hindi nman nya ksalanan yung nangyari (though nung una, nagalit talaga ako kasi nung first seizure na nsa bahay pa kami ni papa, late na sya nkauwi tpos sbi ko prang may sinat anak namin. wala kaming paracetamol. hndi siya bumili. mdaling araw nagseizure anak namin. pag ganon kasi mauulit at mauulit na un. ) sa pera naman, nagkukulang tlga sa budget. ang npapansin ko kasi samin, prang ako yung naging masculine, siya feminine. Iyakin lang ako pero iba kasi ang outlook ko sa buhay. Maparaan ako. Yung asawa ko, alam ko naman ganyan tlga sya kasi iba din ang culture ng family na kinalakhan nya. Pareho kami panganay. pero ako kasi bata pa lng may sense of responsibility na. Abroad mama ko eversince hanggang ngayon, naghiwalay nlng sila ni papa. abroad parin sya. Asawa ko, complete family. Lumaki siya na ksama tlga mama at papa nya sa bahay. Housewife si MIL (RIP). Lumaki sya na may nagaalaga sknya na nanay. Gets niyo po ba? Yung uuwi siya na may pagkain and ready na lahat. Ganun. Parang sa tingin ko kasi may nega effect dn pala yun. Yung asawa ko, hindi siya risk-taker. Kulang sa sense of responsibility. Madali mastress. Kung sasabihin nyo na baka may iba. Inunahan ko na sya. May nakita ako. Sabi ko, naguumpisa palang yan, tapusin mo na, Kilala kita. Tigilan mo yan. Buhay pa kako ako naghahanap kana ng ibang nanay ng anak natin. Umiyak siya. No malice ang convo. Kasi wlang iloveyou or imissyou or kita tayo. pero the fact na nagkukwento sya doon na nasstress sya kasi wla sya work. Its a No No. Ang ganun dpat ay asawa lng nkakaalm, at unang mkakaalm. Kahit pa bff mo un or hindi. Sa ganon naguumpisa. Lalo na at alam kong mahina loob nya. Kayo po mommies na nsa more than decade married life na may soft-hearted at feminine na husband, paano niyo po yun tinake? Mauubusan nako ng magagandang payo sa asawa ko. Kahit anong lift ko sakanya. Ambigat bigat nya. Minsan ngagalit ako. Way ko pra sana naman ay magising. Nakailang small business narin kami. Kaso diko sya nakikitaan ng interest. Btw, natanong ko sya noon kung ano ba tlga ang gusto nya maging or ano ang skill na gusto nya pa madevelop. Di daw nya alam. Jusko mima. Kaya yung anak namin na lalake, kahit nagwowork, tinututukan ko. Ginagawa kong independent. 3yo palang magaling na magsalita, nkakapag analyse na ng pangyayari. Kasi gusto ko maging good husband, provider, and daddy sya in the future. Yung hubby ko din pala, hilig mag self-pity. Ano na gagawin ko? #Needadvice