Struggling sa pagbubuntis & career

Hello mga mommies. I'm really struggling sa pregnancy ko. 19+ weeks ako pero still having nausea & vomiting. Namimili ng pagkain kasi sumasama sikmura ko pg di ko feel yung food. Matatawag cguru na masilan ako. 1st pregnancy ko to. After vomiting, nanghihina ako & need to rest. On the other side, gusto ko may ma-improve parin ako sa career ko. I'm working online. Nahihirapan lng ako kasi I have to pause pag masama na pakiramdam. Di rin ako gaano maka focus kasi dapat iwas stress diba. Di ako maka 100% all out kasi iniisip ko din si baby na gumagalaw na. Lalo na 1st pregnancy ko to. I know temporary lang to kasi mawawala din to pag nanganak na ako. Its just that I'm torn between two. Career at si baby. Love ko din si baby at ayaw kong nae stress ako. Kayo mga mommies, may situation din ba kayong ganito? Would love to hear your stories & opinions.

1 Reply
 profile icon
Magsulat ng reply

Hello mommy. Same tayo na laging nasusuka non pregnancy period. As in lahat ata ng kainin ko na solids sinusuka ko talaga. Ang masama pa nito, buong pregnancy hanggang manganak na ako nagsusuka pa din ako. Swerte po kayo kasi online ang work niyo, hindi na kayo na sstress sa byahe papunta sa work. At Pede kayo magpahinga in between your working hours. Ako noon, talagang mag isa lang buong pregnancy period kasi ldr kami ng asawa ko. Talagang tiis lang kahit mahirap at tinatamad ako kumilos lalo na ang pag gising sa umaga. Pero no choice kasi ako lang talaga gagawa para sa sarili ko, Iniisip ko nalang na hindi ako pwedeng mawalan ng work dahil kelangan namin ng pera para sa baby. ๐Ÿ˜Š Opinyon ko lang mommy, kung gusto mo din mag excel sa career mo habang Nanay ka. Need mo talAga magtiis ngayon buntis ka, take a break from time to time kung feeling mo pagod kana. Gawin mo inspiration si baby sa trabaho mo. Pero kung talagang hirap ka, and hindi mo naman need magtrabaho while pregnant, take a career break. Hindi din natin pede i risk ang health mo at si baby. ๐Ÿ˜Š

Magbasa pa
4y ago

Thank you mommy sa opinyon mo. I appreciate it. Kahit online work mommy, nakaka stress din. Gusto ko iwasan talaga na ma stress para kay baby. Gusto ko mag all-out 100% at kayanin ang stress pero ang iniisip ko ay si baby. Baka kasi maapektuhan sya. First baby pa namin sya. Pag nagsusuka ako, nanghihina din ako tapos need talaga pahinga. Kumo -connect din sa ulo ko na sumasakit. Gusto ko maingatan si baby. Takot ako na mag risk lalo na para kay baby