Pusod ni Baby

Hi mga mommies, ilang week po natanggal yung sa pusod ni baby nyo? 2weeks na kasi kami now, di pa din natanggal.. Sa mga baby nyo po kaya?

23 Replies
undefined profile icon
Magsulat ng reply

exact 7days ni baby natanggal na . no alcohol used, airdry lang ginawa namin. as per pedia ni baby , bilin nya samin ay dont use alcohol unless nabasa lang during ligo, pag ginamitan ng alcohol araw araw mas napprolong yung araw bago matanggal.

sa panganay ko 15 days bago natanggal yong pusod nya after ligo naglalagay ako ng isop alcohol, sa bunso ko naman 5 days lang😅 nag aalcohol din ako, uon kasi bilin ng doctor sa ospital

5 days pa lang si baby natanggal na pusod nya. di ko masyadong nalalagyan alcohol, may nabasa rin kasi akong tubig lang okay na basta panatilihin na laging tuyo.

1 week lang po kay baby natanggal agad. Alcohol po yung in-advice samin ng mga nurse sa ospital na ilagay para matuyo agad and matanggal na yung clip

Sa baby ko after a few days tanggal na. Wala kaming pinahid, iniiwasan lang na hindi matamaan ng diaper yung pusod nya at hindi mabasa.

4days lng sa baby ko sis 3×a day lng cotton warm water and alcohol sa palagi lng wag ipatak pra h d mag stay sa gitna at ma babad

4 days lang yun sakin. no alcohol, hindi ko binabasa at hindi ko tinatakpan sa diaper para hindi mag moist.

Sakin 1 week po naalis na pro till now may itim papo sa pusod nya nilalagyan kolng po lagi ng alcohol 70%

5 days lang natanggal na pusod ni baby ☺️ Patakan at linisan lang always ng bulak na may alcohol po .☺️

2y ago

Yun din naman po gawa ko huhu.. Sana matanggal na din yung baby ko

2 weeks din nung natanggal... just put isopropyl alcohol umaga at gabi. Then air dry. No bigkis.

Related Articles